Bangayan
CORONA to Malacañang: “hostile Executive”. P-Noy to Supreme Court: “exercise judicial prudence”. House to Supreme Court: “undue interference”. House to Deles: “arrogant. Resign!” Lacierda to Dimaporo: “she is at war with herself”.
May iba na kapag mapakinggan ang ganitong bangayan sa pagitan ng tatlong malaking kagawaran ng gobyerno – sisigaw agad ng krisis! Krisis! Kung sila nadidismaya sa ganitong pangitain, ako naman ay kabilang sa mga natutuwa.
Ang lakas ng ating sistema ay ito mismong pagbabahagi ng kapangyarihan sa Executive, Legislative at Judicial Branches upang maiwasan ang pagkumpul sa kamay ng iisa at ang pag-iingat ng mga ito na mabantayan ang abuso ng bawat isa. Separation of powers na balansyado ng checks and balances. Kung paminsan minsa’y hindi sila nagkakaunawaan, patunay lamang ito na malusog ang demokrasya. Hindi ito dapat kinakatakutan.
Ang ganitong tensyon ay aasahan basta may nangyaya-ring bantayan. Wala itong kinaiba sa pikunang nagaganap kapag nagdedepensang full court press sa basketball. Huwag lang ito hayaang lumala. Itong pagbabantay ang tunay na nagbibigay buhay sa pananaig ng batas (rule of law). Kapag wala nitong “lambingan”, hindi mahahalata ang mga kahinaan ng sistema at hindi mapipigilan ang abuso. Sa huli, ang lipunan mismo ang makikinabang.
May merito rin kapag matiwasay na pakikipagrelasyon ng tatlo. Maaari itong signos na walang kalokohang nangyayari kaya walang ingay na naririnig. Pero maaari ring ang tatlo’y nakikipagsabwatan at hindi natin nahahalata’y naoonse na pala ang taumbayan tulad nang naganap sa nakaraang administrasyon. Maaalalang naging malawak ang pagkasuya sa pamahalaan ni GMA, kasama na ang House at ang Supreme Court na itinuring na kakutsaba. Tanging ang Senado ang naiwang malinis sa mata ng lipunan.
Kaya ako natutuwa kapag ganitong nagkakainitan.
Dahil ang mas mala-king issue kapag sila’y nagbabangayan ay hindi ang karapatan ng bawat isa at kung kaninong teritoryo ang dapat manaig kung hindi ang mismong ka-buluhan ng Saligang Batas. Kailangan ang pagkasigasig ng bawat isa sa pagtanggol na kani-kanilang teritoryo. Kapag makawawa ang isa, ang balanse ng sistema ay maapektuhan. At kapag ganito ang mangyari, ang Saligang Batas mismo ang pinakamalaking biktima.
- Latest
- Trending