^

PSN Opinyon

Mekong Sapitula: Bata pa pero maaasahan na

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

IBANG klaseng bata si Roemiko “Mekong” Sapitula sa lahat ng kabataang aking nakilala. Mantakin nyo mga suki, mula sa pag-uuling at pagtitinda lamang ng baboy sa palengke ang ikinabuhay ng mga magulang ni Mekong, subalit lumaki sila na masaya at buo ang pamilya na handang tumulong sa kapwa. Sa edad na 15 anyos sasabak na sa magulong buhay pulitika na wala sa pangarap ng kanyang mga magulang. Ito’y upang ibahagi ang kanyang kakayahan na matulungan ang mga kabataan sa Barangay Poblacion ng Muntinlupa City. Dahil sa madalas niyang pagsama-sama sa magulang na laging bukas palad na tumutulong sa mga kapuspalad nating kababayan na nangangailangan ng tulong at kalinga. Katulad na lamang sa pamumudmod ng relief good sa mga sinalanta ng bagyong Ondoy sa iba’t ibang lugar ng Quezon City at Tondo, Manila. Kabilang din ang pamamahagi ng tulong sa Tunasan, Muntinlupa na higit na nangangailangan ng tulong matapos na lumubog sa tubig baha. Hindi maawat ng kanyang ama’t ina si Mekong sa pagsama-sama sa pamamahagi ng tulong kahit na nakaranas ng pagsama ng katawan dala ng paglusong sa tubig baha, init at lamig ng panahon sa tuwing sila’y nagsasagawa ng relief operation. Balewala lang ito kay Mekong at bagkus nakikitaan pa siya ng mga ngiti sa kabila ng paghihirap ng kanyang murang katawan sa pagsabak sa hamon ng kalikasan. Noong bagyong Melenyo, sinuong ni Mekong ang hamon ng tadhana para marating lamang ang mga taong naghihintay ng tulong sa Nueva Ecija. Mantakin n’yo mga suki, halos umabot sa sampung oras ang pagbibiyahe nila ng kanyang amang si Senior Supt. Romulo Sapitula at inang si Eleonor para maihatid lamang ang relief goods sa mga nagugutom na kababayan sa Nueva Ecija dahil lubog sa tubig-baha ang lahat ng kalsada patungo sa naturang lalawigan. Hindi ito maikakaila sa akin dahil kasama ako sa naturang operation na inihanda ni Sr. Supt. Sapitula na noon ay siya pa ang hepe ng Sta Cruz/Central Market Police Station 3 ng Manila Police District. Ito kasi ang kauna-unahang relief operation na personal na ipinamahagi ng nag-iisang opisyal ng pulis sa labas ng bakuran ng Manileños. At ngayon nga na si Sapitula ang piniling hepe ng kapulisan ni Mayor Aldrin San Pedro sa Muntinlupa ay lalo pang naging aktibo ang buong pamilya sa pagtulong at pagkalinga sa mga mahihirap nilang kababayan. At iyan ay napatunayan ng ilan nating kababayan ng masunog ang Bunyi Compound noong Hunyo.

Nanguna si Mekong sa pagpamudmod ng relief goods sa mga nasunugan na noon ay wala sa isipan niyang pumasok sa pulitika. Ang pagiging malapit sa kabataan at ka-barangay ang nagtulak kay Mekong na isulong ang sarili na tumakbo bilang Sangguniang Kabataan chairman upang pag-ibayuhin pa ang pagtulong sa lahat ng na-ngangailangan. At iyan ang matunog na usap-usapan ng mga kabataan sa Bgy. Poblacion. Subalit ang pagsulong ni Mekong sa kanyang kandidatura ay may kaakibat na kapalit kung kaya ang kanyang ama na si Sr. Supt. Sapitula ay pilit na pinalalayas sa puwesto. Sa ngayon ay naghain na si Sapitula ng leave of absence sa NCRPO at SPD upang walang masabi ang mga kalaban.

Abangan!

BARANGAY POBLACION

BUNYI COMPOUND

CENTRAL MARKET POLICE STATION

MEKONG

NUEVA ECIJA

SAPITULA

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with