^

PSN Opinyon

Abra lodge No. 86, tahimik pero nagparamdam

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

MASAYANG-masaya ang nabiyayaan ng may 7 - wheelchairs na ipinamigay ng mga brethren ng Abra Lodge No. 86 last stated meeting Oct. 9 (Saturday), dyan sa loya nila sa McKinley St., Zone 2, Bangued, Abra.

Siempre ang bigayan blues ay sa ilalim ng pangangasiwa ng Most Worshipful Grand Lodge of Free and Accepted Masons of the Philippines at sa kagandahan loob ng mga Kuyang from the Mabuhay Shriner at Maharlika Oasis .

Sabi nga, thank you so much, Brethren!

Ika nga, mwuah, mwuah at mwuah....

Ang tatlong mahalagang ilaw ng Abra Lodge na walang sawang tumutulong sa madlang people na nangangailangan ay sina WB Arnel A. Valera, WM, Bro Hamilcar P. Bigornia, SW, Bro Benildo A. Co, JW, VW Diony R. Delizo at siempre ang mga Kuyang na kasapi ng loyang ito.

Mga kuyang keep up the good work.......

4x4 wheel drive ng DSWD

GUSTONG bumili ng 24 units na brand new 4x4 wheel drive ang DSWD para gamitin daw sa kanilang mga proyekto P1.7 million ang worth ng bawat isa.

HIndi biro ito dahil marami na ang umaangal at naiinggit sa planong pagbili.

Bakit?

Maganda daw ang magiging komisyon sa bawat sasakyang bibilhin? Hehehe.....Joke!

Naku ha!

Mahigit sa P40 million ang halaga nito.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, maraming nagugutom sa madlang Pinoy at halos umiyak at nagmamakaawang humihingi ng rice sa NFA para makakain.

Hindi ba naisip ito ng DSWD?

Tiyak ang buelta nito ay si P. Noy ang masisisi ng madlang people sa Philippines my Philippines.

Bakit?

Luho lang daw ito sa katawan!

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ayaw kontrahin ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang balak ng DSWD baka talagang kailangan nila ang mga bagong sasakyan kaya gusto nilang bumili.

Bakit nga ba?

Sagot ni Kamote, mas malakas ang aircon ng brand new vehicles kaya ganoon. Hehehe!

Tinapyasan ng malaking halaga ang funding para sa mga state universities at colleges kaya naman naggagalaiti sa galit ang mga student dito tapos malalaman nilang ang DSWD bibili ng mga brand new vehicles.

Ano ito?

Abangan.

Batangas bloc ang Pag-IBIG bossing

SINIBAK as in tinanggal sa position si Jaime Fabiana kasama ang kanyang mga ayudante sa Pag-IBIG Fund matapos batikusin ng mga senador.

Bakit?

Sagot - dahil sa matinding problema sa nasabing ahensiya na nadiskubre ni Senator Juan Ponce Enrile et al.

Pumalit kay Fabiana si Darlene Marie Berbe­rabe, ng Batangas bloc bilang bagong bossing ng Pag-IBIG Fund.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang nasindikato ang Pag-IBIG Fund dahil hindi yata nabantayan o naging maluwag ang pag-release ng mga multi-million loans lalo’t sa kasangga nila.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Dapat busisiin ito mabuti at kalkalin ng todo para magbayad ang may sala sa madlang people.

Abangan.

ABANGAN

ABRA LODGE

ABRA LODGE NO

ARNEL A

BAKIT

BATANGAS

NAKU

PAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with