^

PSN Opinyon

Judge na walang ingat

-

MANILA, Philippines - Ang isang judge na walang ingat sa kanyang trabaho ay may pananagutang administratibo. Isang halimbawa ay ang kaso ng isang RTC judge. Napunta kay Judge ang isang kaso tungkol sa paglabag sa Sec. 4, Art. II ng Dangerous Drugs Act. Ang mga akusado sa kaso ay sina Tony at Romy. Malinaw na makikita sa impormasyon ang mga bura at alterasyon. Ang salitang “kilos” ay naging “grams”, ang salitang “no bail recommended” ay binura ng snowpake at napalitan ng “bail recommended”, nalagyan ng halagang “P60,000”, ang salitang “pro­hibited” ay pinalitan ng salitang “dried” at isiningit bago ang salitang “marijuana”.

Kapansin-pansin din na walang anumang pirma sa mga pagbabagong ginawa sa impormasyon kahit pa dalawang piskal ang magkatulong sa paggawa nito at isang piskal pa ang muling nag-aral sa kaso bago sila pumirmang lahat sa impormasyon. Kasama sa impor­masyon ang sulat ng Narcom, mga rekord ng pinagsama-samang salaysay ng nagpanggap ng bumili ng droga at mga humuling pulis, pati ang PNP laboratory report.

Ayon sa sulat, 45 kilong marijuana ang nakumpiska sa mga akusado samantalang nakasulat naman sa PNP laboratory report na 42,420 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nakuha. Malayung-malayo ito sa 42.410 gramo na nakasulat sa impormasyon.

Sa arraignment, pinagbasehan ni Judge ang naka­sulat sa impormasyon at wala siyang nakitang mali kahit pa nga may mga bura sa dokumento dahil tiwala siyang pinag-aralan naman ito ng mga piskal. Sa um­pisa, “not guilty” ang pahayag nina Tony at Romy ngunit nagbigay ng “manifestation” ang kanilang abo­gado na aaminin na nila ang kasa­lanan. Pinalapit sila ni Judge at mu­ling ipinabasa sa isang clerk ang impor­masyon. Parehong “guilty” ang pahayag ng dalawa. At dahil 42.410 gramo lang ang ikinakaso sa im­pormasyon, tinanong ni Judge sa piskal kung may pagtutol siya sa magiging sentensiya na 6 na buwan at 1 araw. Nang walang naging rek­lamo si piskal, hinatulan sina Tony at Romy ng 6 na buwan at 1 araw na pagkakakulong. Nang hapon din na iyon, nagsumite ng aplikasyon para sa “probation” ang dalawa. Dahil walang nakitang mali, tinang­gap ni Judge ang aplikasyon ng probation at nakalaya ang dalawa. 

Isang buwan matapos ang insi­dente ay saka nadiskubre ng mga ahente ng Narcom ang ginawang pagbabago sa impormasyon. Ayon sa pagsisiyasat ng NBI, nagawang baguhin ang impormasyon matapos pirmahan ng Chief Inquest Fiscal at ang binagong impormasyon ang nai-raffle at napunta sa sala ni Judge. Hindi nadamay sa pagma­ma­nipula ng impormasyon si Judge pero sinampahan pa rin siya ng kasong administratibo dahil sa kapa­bayaan sa pagpapatupad ng tungkulin. Nagkasala ba si Judge?

NAGKASALA siya. Ayon sa Korte Suprema, ang mga bura at pag­babago na ginawa sa impor­masyon lalo at may kinalaman sa kasong kriminal ay sapat na base­han upang maging alisto ang isip at maghinala ang responsableng hukom. Mag-iingat agad siya at mag­sususpetsa na may mali sa impormasyon lalo at hindi naman pinirmahan ang mga ito.    

Maaari din sana na madiskubre agad ni Judge ang anomalya ng mas maaga kung pinag-aralan muna niya ang mga rekord na ka­sama sa kaso bago niya ito dinesis­yunan. Sangkatutak na ang mga kasong may kinalaman sa droga at madalas ay palihim na nakikialam ang mga sindikato at mga drug lord upang mapalaya ang mga akusado. Dapat nag-ingat at nag-isip na ma­buti si Judge. Ipinakita lamang niya ang kawalan ng pag-iingat at pag-aaral na hinihingi ng batas para sa mga katulad niyang hukom. (PNP Narcom Director vs. Salazar, Jr. A.M. 96-9-33 RTC, Aug. 15, 2001, 363 SCRA 8).

AYON

CHIEF INQUEST FISCAL

IMPORMASYON

JUDGE

ROMY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with