'Nakaw na mukha ni Santa...'
KAPAG binanggit ang salitang PASKO, ang unang pumapasok sa isipan ng lahat ay kapanganakan ni Hesukristo.
Subalit sa maraming paslit na may inosenteng pag-iisip, regalo at si Santa Claus ang bida.
Sino ba namang hindi mahuhumaling sa mukha ni Santa Claus, sa kanyang chubby at matamis na ngiti, kaligayahan ang hatid ninuman.
Hindi makakalimutan ng BITAG ang isang dayuhang lumapit sa aming tanggapan dalawang taon na ang nakakaraan.
Ang kanyang reklamo, siya raw si Santa Claus na makikita noong taong 2008 sa isang kilalang mall na talaga namang super.
Ingles man ang kaniyang pagsasalaysay sa BITAG, mararamdaman ang kanyang galit at himutok.
Wala raw paalam na inedit ang kanyang mukha at ipinaskil sa lahat ng mall bilang si Santa Claus.
Natatandaan niya raw ang kanyang kuha sa mga litrato ni Santa na makikita sa mall, isang baklitang nagpakila-lang talent manager raw ang lumapit sa kanya at sinabing puwede siyang mag-audition bilang Santa Claus.
Matapos ang nasabing photoshoot, wala na raw na-ging balita sa talent manager. Nagulat na lamang siya ng magpunta sa mall ay nakita niya ang kanyang mukha bilang si Santa.
Bagamat dalawang taon na ang nakakaraan ng ilapit ang reklamong ito, muling ibinabalik ng BITAG para magbigay ng babala sa publiko.
Mag-ingat sa mga walang habas na magnanakaw ng mukha at maging personalidad ng tao para manipulahin, pagkatapos ay gagawing kaparte ng mga advertisement ng malalaking kumpanya.
Ang nakalulungkot, ito’y isang kasong sibil lamang. At kung hindi alam ng mga nabiktima kung saan lalapit upang humingi ng hustisya, matatakot lamang ang ilan dahil sa kanila, malaking kumpanya ang kanilang binabangga.
Hindi ang BITAG, kung katotohanan at hustisya ang nakataya, hindi kami nangingiming tanggapin ang reklamo at ilantad ito sa publiko.
- Latest
- Trending