^

PSN Opinyon

Editoryal - Anong plano para sa mahihirap?

-

SA Oktubre 8, 2010 ay 100 araw na sa puwesto si President Aquino. Subalit wala pang nakikitang plano kung paano niya paaangatin ang buhay ng mga mahihirap. Liban sa pagsasabing pagkakalooban ng cash ang mga dahop na dahop ang pamumuhay, wala nang iba pang planong naririnig. At ang pagbibigay ng cash sa mga dahop na dahop ay hindi maituturing na magandang plano sapagkat tuturuan lamang umasa sa gobyerno ang mga dahop? Sa halip na turuang magbanat ng buto, magkakasya na lamang sa paglalahad ng palad ang mga dahop at babagsak na roon ang limos ng gobyerno.

Maganda sanang marinig sa kasalukuyang administrasyon ay ang paglikha ng mga trabaho para ganap na maging produktibo ang mga dahop ang buhay. Nararapat turuan silang magpatulo ng pawis para ang kakainin nila sa araw-araw ay manggaga-ling sa kanilang pinagpawisan. Ano ang mangyayari kung lagi silang pagkakalooban ng limos? Hindi na sila magsisikap sapagkat meron namang nagbibigay.

Ang nakaraang Arroyo administration ay ganyan ang ginawa. Pinagkalooban ng cash ang mga dahop na nagkakahalaga ng P500. Karampot na pera para makatulong sa pang-araw-araw na gastusin. Pero tinuruan lang maging tamad ang mamamayan. Nang mabigyan ng P500 ang mga dahop, marami sa kanila ang umasa. Maraming naglahad ng palad para maambunan muli ng P500.

Natanggap na ng Pilipinas ang $434 million grant ng United States. Ipinagkaloob ito nang magtungo si Aquino sa US. Sabi ni US Secretary of State Hil-lary Clinton, gamitin sana nang makabuluhan ang pera para maingat ang kalagayan ng mga naghihirap na mamamayan. Nanawagan ang US na durugin ang corruption para matamo ng mamamayan ang maayos na pamumuhay.

Ngayon ay ang pagkilos ng Aquino admimistration laban sa nararanasang kahirapan ang inaaabangan nang nakararami. Malapit nang mag-100 sa puwesto at nararapat lamang na may mga plano kung paano ia-address ang paglaban sa kahirapan. Hindi sana masayang ang ipinagkaloob ng US. Hindi sana masayang ang kanilang tiwala sa mga Pilipino.

ANO

AQUINO

CLINTON

DAHOP

IPINAGKALOOB

KARAMPOT

PRESIDENT AQUINO

SECRETARY OF STATE HIL

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with