^

PSN Opinyon

Sakit ng ulo

K KA LANG? - Korina Sanchez -

MUKHANG naghahanap ng sakit ng ulo ang Philippine Medical Association. Naglabas sila ng kautusan na pinagbabawal ang mga miyembro nilang doktor na manigarilyo, o makitang naninigarilyo. Hinihikayat pa ang lahat na isumbong sa kanilang organisasyon ang mga lumalabag. Ito raw ay para maging magandang halimbawa sa mamamayan ang mga doktor. At ano naman ang kaparusahan kung makitang naninigarilyo? Pag-iisipan daw nila. Tama ba yung sinabi ko? Sakit ng ulo?

Ang paninigarilyo ay inuugnay na isa sa mga dahilan ng kanser sa baga, sakit sa mga ugat, paghihina ng baga at pagbaba ng resistensiya. Napatunayan na malaking porsyento ng mga may sakit sa baga ay may kasaysayan ng malakas na paninigarilyo. Inuugnay din ang paninigarilyo sa sakit sa bato, kanser ng lalamunan, pati mga ibang sakit sa bituka. 

Tama naman ang pananaw. Pupunta ka ba sa dentistang bungal o bulok ang mga ngipin? Magpapaturo ka ba sa isang guro na walang alam? Masama sa kalusugan ang paninigarilyo, walang argumento roon, kaya hindi raw ito dapat ginagawa ng isang manggagamot. Hindi dapat sila nakikitang naninigarilyo dahil gagawing katwiran lang ng mga pasyente na magpatuloy sa bisyo. Pero praktikal ba ang pinaplano ng PMA? Ilan ang kakilala ninyong doktor na naninigarilyo? Sigurado napakarami. Sasabihin lang nila na hindi naman nakakahadlang sa kanilang husay sa paggamot ang paninigarilyo, at desisyon nila kung gusto nila yung bisyo. Kahit siguro itaas ang buwis sa sigarilyo para maging mahal, ang tatamaan lang niyan ay mga mahirap, at hindi mga doktor na kakayanin pa ring suportahan ang bisyo. Doon pa lang, mahirap na ang argumento.

Kung wala rin lang matinding parusa para sa mga doktor na hindi makakapigil sa paninigarilyo, wala ring silbi ang patakaran na ito. Magdudulot lang ng mainit na diskusyon at argumento sa pagitan ng PMA at mga hindi na makapigil sa bisyo. Kung alam ng mga doktor na masama nga sa kalusugan ang paninigarilyo, at sige pa rin sila, mahihirapan ang PMA paigtingin ang patakaran.

DOKTOR

HINIHIKAYAT

ILAN

INUUGNAY

PANINIGARILYO

PHILIPPINE MEDICAL ASSOCIATION

TAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with