^

PSN Opinyon

Sampal kay Gen. Rongavilla

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

PINULONG ni Manila Police District (MPD) Officer-in-Charge Chief Supt. Roberto Rongavilla ang mga bagong set of officer and members ng MPD Press Corps at kanyang inamin na hindi niya arok ang mga bituka ng kanyang mga opisyales. Iyon pa lang daw nang pagkakataon na tumapak siya sa bakuran ng Manila’s Finest. Labis ang kanyang paghanga sa MPDPC peoples dahil solido di-tulad ng ibang distrito na kanyang pinamunuan na hati-hati ang samahan kaya nahirapan siyang makisama. Tama ka, Gen. Rongavilla dahil tanging ang MPDPC lamang ang may pinaka-maraming miyembro (pangalawa sa National Press Club) na tumayong mag-isang  ornanisasyon na buo ang samahan at paninindigan.

Madaling nakuha ni Rongavilla ang saloobin ng mga taga MPDPC mang ipakita niya ang kanyang pagkaprangka at matigas na paninindigan. Katunayan kanyang hiniling na tulungan siya na ibangon ang lugmok na kredibilidad ng MPD matapos ang nakahihiyang hostage taking sa Quirino Grandstand noong August 23. Sinuportahan naman agad ang kanyang kahilingan, kayat hiniling ng grupo na maging updated lamang sila sa mga police report upang mai-ere sa himpapawid at maisulat sa dyaryo ang kanilang accomplishment maging positive o negative man ito. Maganda ang resulta nang pag-uusap at katunayan ay agad niya inutusan si Chief Insp. Erwin Margarejo na Public Information Office (PIO) niya. Pagkaraan ng pulong, balik na sa trabaho ang aking mga kasamahan.

At doon naganap ang hindi magandang karanasan na ipinamalas ni Sr. Insp. Asur Villafranca sa aming kasamang reporter na si Leonard Postrado ng Manila Bulletin Publishing Corp. Mantakin n’yo mga suki, halos matunaw sa hiya si Postrado nang pagsisigawan ni Villafranca nang bumalik ito sa investigation room ng Ermita Police Station noong araw din iyon. Nanlilisik ang mata at dinuduro-duro umano si Postrado ni Villafranca habang nagsisigaw na “Bakit mo ko pinadiyaryo!!! Kala mo kung sino ka!!!”

Gen. Rongavilla nakadidismaya ang inasal ni Villafranca na dapat mong aksyunan. Nag-ugat ang panggagalaiti ni Villafranca nang magtanong umano si Postrado sa detalye ng hinostage na Chinese national noong Sept. 9. Tama naman ang naging hakbang ni Postrado sa paglapit sa kanya matapos na ituro siya ni SPO1 Glenzor Vallejo kay Villafranca. Ngunit tila yata may problema si Villafranca kaya agad na nagtaas ng boses na “Bakit kailangan mo kumuha ng detalye? Imbestigador ka ba? Daig mo pang imbestigador ah! Hindi kami magbibigay ng detalye!!”

Kaya naisulat siya ni Postrado na hindi nagustuhan ni Villafranca. Paano kami tutulong kung ang katulad ni Villafranca ang sisira sa kahilingan ni Gen. Rongavilla? Abangan!

BAKIT

CHIEF INSP

ERMITA POLICE STATION

ERWIN MARGAREJO

GLENZOR VALLEJO

KANYANG

LEONARD POSTRADO

POSTRADO

RONGAVILLA

VILLAFRANCA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with