^

PSN Opinyon

'Wais ka ba? Alamin kung alin ang pekeng pera.'

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

KUNG ang mga pagdiriwang sa Pilipinas ay may naka-talagang panahon, pagdating naman sa mga pekeng pera, dapat alerto, wais at mapagmatyag kung may kakaiba sa salaping hawak. 

Pagpasok ng “ber” month, aktibo lahat ng tao, dahil ang ating nasa isip ay ang papalapit na Pasko. Andiyan ang 13month, bonus at party.

Samantalang ang mga manggagantso, buhay na rin   ang dugo. Panahon na kasi ito ng paglaganap ng pekeng pera.

Kung paborito mo ang limandaang piso at isang libong piso, mag-ingat. Eto ang pangunahing pinepeke ng mga loko.

Narito ang mga palatandaan at pagkakaiba ng mga pekeng pera sa tunay na pera:

Una, ang tunay na perang papel ay magaspang, at embossed o nakaangat ang mga naka-imprenta sa papel.

Samantalang ang peke, makinis, at kapag kiniskis ng basang daliri ang pera (kahit laway lang ang gamitin), mabubura ang mga naka disenyo rito.

Ikalawa ang kulay ng pera. Kapag sumobra ang pagiging matingkad o kaya naman mapusyaw ng kulay ng pera, magtaka ka na, posibleng pekeng pera na ang iyong hawak.

Ikatlo, ang kapal o nipis ng papel na pera, tinatawag din ito na texture na unang mararamdaman ng isang taong humahawak ng pera. Hindi madaling malukot ang tunay na pera.

May mga fake money detector ang ilang sopistikadong tindahan o establisyamento, makakabuti kung gagamit nito upang hindi parehong maloko ang mga mamimili    at mga tindero/tindera.

Iba-iba ang pagkakagawa ng mga pekeng pera kaya’t maging mapanuri. Kung may kakaibang naki­kita sa inyong hawak na pera, ’wag mag-atubiling magta­nong agad o papalitan ito sa taong pinanggalingan.

Ngayong alam mo na, papaloko ka pa ba?

Lumapit agad sa BITAG anumang impormasyon ang inyong nalalaman sa iligal na gawain ng pamemeke ng pera.

ANDIYAN

ETO

IKALAWA

IKATLO

KAPAG

PERA

SAMANTALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with