^

PSN Opinyon

Eh, ano kung bakla si Saliao?

DURIAN SHAKE -

Eh, ano kung bakla nga si Lakmudin Saliao? Si Saliao ang witness sa Maguindanao massacre case na nagsiwalat tungkol sa mga suhulang isinagawa ng ilang miyembro ng pamilya ng Ampatuan na pinagbintangang may sala sa karumaldumal na November 23 massacre na ikinasawi ng 60 na tao, kasali na ang may 30 na mamamahayag?

Si Saliao ang witness ng prosecution sa Maguindanao massacre case na nakikita sa TV na parating nakataas ang kilay at taas-noong sinasalaysay sa korte ang kanyang nala­laman sa kaso. Habang ang lahat ay nakayuko at medyo balisa ang iba, makikita na si Saliao naman ay muk­hang napaka-sigurado sa sarili niya na walang kakaba-ka­bang patingin-tingin sa kaliwa’t kanan. Kitang-kita nga ang gender ni Saliao sa hugis ng kanyang kilay.

Alam ng lahat kung sino-sino ang idinawit ni Saliao sa kan­yang testimony noong Miyerkules na nakatanggap nga raw ng milyones galing kay former Maguindanao Gov. Andal Ampatuan, Sr., na pinagsilbihan niya bilang close aide ng 18 years.

Nanumpa sa korte si Saliao nang sinabi niyang si da­ting presidential assistant for Mindanao Jesus Dureza raw ay nakatanggap ng P10 million mula sa Ampatuan patriarch kapalit umano sa dismissal ng rebellion charges laban sa kanya.

Dureza strongly denied Saliao’s allegations sa pama­ma­gitan ng pagpalabas ng mga statements sa media. Si­nabi nga niyang ito ay naging parang isang demolition job sa kanya kahit na nga na paulit-ulit niyang pinahayag na handa rin siyang harapin ang mga paratang sa kanya sa korte.

Maliban sa statements sa media, minabuti na ring kinuha ni Dureza ang isang Datu Mastor Salendab na isa umanong close ally ng mga Ampatuan na magpapatunay na wala ngang perang naibigay kay Dureza noong March 11 na ayon sa salaysay ni Saliao.

Lumantad nga si Salendab sa isang press conference sa isang Chinese restaurant dito sa Davao City na pina­tawag ng mga tauhan ni Dureza.

Bitbit ni Salendab ang kanyang affidavit na kinalat naman agad sa media noong Biyernes ng hapon. Kinontra at sinabi ni Salendab na puro kasinungalingan raw ang sinabi ni Saliao at hindi raw totoong binigyan ng matandang Ampatuan si Dureza ng P10 million.

At habang nag-press conference nga ay nabanggit ni Salendab na si Saliao raw ay bakla at mahirap paniwalaan ang ganyang klase ng tao para maging witness sa korte.

Toink!! Nahulog sa gay-bashing si Salendab sa kanyang pagsusumikap na sirain si Saliao as a witness. Ang kasarian na ni Saliao ang tinira ni Salendab. Mukhang hindi magandang hakbang ang pambabato sa pagiging bakla ng isang tao.

 Eh, ano pala kung bakla si Saliao? Hindi pala puwedeng paniwalaan ang mga bakla? Bakit? Mga straight men and women lang ba ang kapanipaniwala sa mundong ito? Ma­rami ring sinungaling at walang kredibilidad sa hanay ng mga totoong lalaki at mga tunay na babae.

Ang pagiging bakla ng isang tao na gaya ni Saliao ay hindi sapat na dahilan upang hindi paniwalaan ng korte ang kanyang salaysay. Why?

Does being gay makes one less of a person?

 Sa paninira na ginawa ni Salendab hindi lang si Saliao ang kanyang maging kalaban dahil naniniwala akong ang pugad ng mga bakla ay muling nagalaw at hindi malayong aalma ang pederasyon!

Heto nga ang saloobin ng isa kong kabarkadang proud to be bading — “Gays are as truthful as any straight man could be and even better. How dare those people insinuate that gays are not trustworthy? Gays are creative and nurturing like women. But are equally as resolved and willfull as men are”.

Mas pinatunayan sana ni Salendab na wala ngang katotohanan ang testimonya ni Saliao lalo na laban kay Dureza sa pamamagitan ng pagsalaysay kung ano talaga ang nangyari at huwag nang idawit ang pagiging bakla ni Saliao.

Kung gusto ni Salendab na matulungan si Dureza, huwag na siyang gumawa ng mga unnecessary enemies sa hanay ng mga kapatid sa pederasyon!

AMPATUAN

BAKLA

DUREZA

SALENDAB

SALIAO

SHY

SI SALIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with