^

PSN Opinyon

Walang kamatayang jueteng

K KA LANG? - Korina Sanchez -

WALA na talagang dahilan si retired Archbishop Oscar Cruz na hindi pa pangalanan ang mga sinasabi niyang mga bagong nakikinabang sa jueteng. Kung sinu-sino na sa Gabinete ni President Aquino ang tinutukoy, katulad ni Usec. Rico Puno at dating PNP Chief Jesus Versoza. Pati na ang bagong PNP Chief na kapapalit lang kay Versoza ay nakikinabang na raw sa jueteng! Dagdag pa ni Cruz, mga gobernador, mayor, congresssman, pati ilang pari ang nakikinabang sa jueteng. Masyado na yatang malalim at malawak ang nasasakop ng iligal na sugal, na sa ganitong kaagang panahon sa bagong administrasyon ay may mga padrino kaagad!

Hindi maganda ang madudulot nito kay President Aquino, na nangakong lilinisin ang lahat ng aspeto ng gobyerno. Lalo na kung mga kilalang kaibigan pa niya ang nasasangkot! Pero kahit hindi pa nilalabas ni Cruz ang listahan niya, tila sa dalawang nabanggit bumabagsak na ang paratang.

At inamin rin naman ni Puno na may mga lumapit na pala sa kanya para magtanong kung ano ang dapat gawin, sino ang dapat bigyan para raw makapagpatuloy ng maayos ang jueteng sa ilalim ni President Aquino. Noong una, akala ko sa pamamagitan ng telepono lang nagparamdam. Pero iyon pala, pinuntahan siya sa kanyang tanggapan, at sinabi pang may mga kaibigan at kamag-anak pa! Pero hindi inaksyunan dahil kinausap pa lang naman daw siya. Paano pala kung may kumausap sa ibang miyembro ng Gabinete para itanong kung sino ang pwedeng “ligpitin” sa bagong administrasyon? Okay lang ba dahil usap-usap pa lang, o dapat inaksiyunan na rin?

Tila hinahalughog ngayon ang pamahalaan para magbag­sakan ang mga sangkot o dawit sa jueteng. Pero sa totoo lang, mawawala pa ba ang jueteng sa bansa, lalo na kung may mga opisyal na handa namang makinabang dito? Nilabas na nga ang STL para tapatan ang jueteng, pero wala rin. Hangga’t may gustong kumita ng malaki sa pamamagitan ng pagpapatakbo ng ilegal na sugal, hindi masusugpo ang jueteng sa bansa. Parang anay na iyan. Kailangan sunugin mo na ang bahay mo para mapatay lahat ng anay! Kung hindi ka rin lang handang mawalan ng bahay, magpapatuloy pa rin ang paglaganap ng mga anay! Anay na unti-unting sumisira rin ng administrasyon ninuman!

ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

CHIEF JESUS VERSOZA

CRUZ

GABINETE

JUETENG

KUNG

LANG

PERO

PRESIDENT AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with