^

PSN Opinyon

Kumilos ka, Gen. Rongavilla

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

HINDI pa nabubura ang kahihiyang idinulot ng madugong hostage-drama sa Quirino Grandstand noong August 23 ay ma­rami na naman ang sumisingaw na problema na dapat harapin ni MPD Officer-in-Charge Chief Supt. Roberto Ronga­villa. Ayon sa aking mga kausap sa MPD, hindi napagtuunan ni Rongavilla ang pamamayagpag ng mga illegal gambling sa kanyang nasasakupan. Sinasamantala umano ni Mike Por­nillos ang pagharabas ng lingguhang koleksyon sa mga gambling lord matapos na manahimik ang kapulisan sa imbesti­gasyong isinasagawa ng DOJ at Senado. Maging ang mga taga-media ay kabilang din sa isinasangag sa imbestigasyon upang ma-probe kung sino ang may sala at may pagkukulang.

Lumalabas na si Pornillos ang nanalong bidder ng intelihensya para sa MPD na umaabot sa P480,000 weekly kaya abot langit ang pagpalaganap ng mga bookies ng karera, jueteng na nakatago sa EZ2, PBA ending, ball-alai at looteng para makupo ang intelihensya. Dapat kumilos si Rongavilla dahil mabigat ang banta ni Aquino na wala siyang sasantuhing pulis o government official na tumatanggap ng tongpats sa mga gambling operators. Ewan ko kung may katotohanan ang sumbong.

Ayon sa mga pulis ng Manila’s Finest, dapat lamang kasti­guhin si Pornillos upang matigil na sa paggasgas ng kanilang emahe. Sayang naman ang pagpursige ni Rongavilla na mabago ang pananaw ng sambayanan sa Manila’s Finest. Ang masakit pa nito ay muling nagbalikan ang mga putatseng sa Ermita at Malate na umiba nga lang ng pinaglulunggaan. Para sa kaalaman mo Gen. Rongavilla, ang maganda at ma­liwanag na baywalk sa Roxas Boulevard ang pinagla­labuyan ngayon ng mga putatseng dahil mainit na sila sa kapaligiran ng Malate Church. Hindi nga lang mahalata ang mga ito dahil bihis desente at nakikihalubilo sa mga namamasyal partikular na sa gabi. Balitang-balita rin na dito rin nanggagaling ang mga babaing rumarampa sa mga nakadaong na barko sa brake water. Talasan mo ang iyong pang-amoy Gen. Rongavilla, dahil oras na makarating ito sa kaalaman ni Mayor Lim tiyak na aalsa balutan ka sa puwesto. Ayaw ni Lim na muling lumaganap ang prostitution sa Maynila!

Bakit hindi mo tularan si Supt. Ferdinand Quirante ng Station 2 na gumamit ng pampasaherong jeepney ng kanilang salakayin ang mga kabataang babae na nagbebenta ng aliw sa mga drayber sa Plaza Morga at Plaza Moriones. Ganyan ang gawin mo Gen. Rongavilla upang mapalapit ka sa mga taga-Manilenos at kay Mayor Lim na matagal ng naghihintay ng magandang accomplishment mo.

vuukle comment

AYON

FERDINAND QUIRANTE

MALATE CHURCH

MAYOR LIM

MIKE POR

OFFICER-IN-CHARGE CHIEF SUPT

PLAZA MORGA

PLAZA MORIONES

RONGAVILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with