^

PSN Opinyon

Pantay na oportunidad sa hanapbuhay

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

ISINUSULONG ng aking anak na si Sen. Jinggoy Ejercito Estrada ang pagbibigay ng pantay na oportunidad sa hanapbuhay para sa lahat ng mga Pilipino anuman ang kanilang relihiyon o kultura. Ito ay sa ilalim ng kanyang Senate Bill 891 na pinamagatang An Act to Ensure Equal Employment Opportunities to Muslims and Tribal Filipino.

Ayon kay Jinggoy, ito ay alinsunod sa itinatadhana ng Konstitusyon kung saan ay ginagarantiyahan ang pagbibigay ng karapatan sa mga mamamayan para sa maayos na pamumuhay at kasama rito ang trabaho.

Pinansin niya ang maraming insidente kung saan ay naka­ra­ranas ng diskriminasyon sa trabaho ang ilan nating mga kapatid na Muslim at tribal Filipinos o mga miyembro ng tribu. Ayon sa mga ulat ay itinuturing silang “not priority for hiring” dahil sa kanilang relihiyon at kul­tura. Kailangan aniyang masolusyunan ang ganitong inhustisya.

Narito ang ilang pangunahing probisyon ng Senate Bill 891 ni Jinggoy:

— It shall be considered an unfair labor practice for an employer:

a) To refuse to hire, or to discriminate against with res­pect to compensation, terms, conditions or privileges of employment, or to discharge any individual because of his religion or ethnic origin; or

b) To limit, segregate or classify employees in a way which would deprive or tend to deprive any individual of employment opportunities or otherwise adversely affect his status as an employee because of the individual’s religion or ethnic origin.

—The Government shall reserve at least ten percent (10%) of the rank and file positions in government service, and shall employ members belonging to indigenous cultural minorities particularly Muslims and other tribal Filipinos in areas where they predominate.

Nakikiisa ako sa panawagan ni Jinggoy sa mga kapwa niya mambabatas na suportahan ang panukalang ito. Ito ay hakbang upang matamo ang pagkakaisa ng mamamayan kahit mayroong magkakaibang relihiyon at kultura.

AN ACT

AYON

ENSURE EQUAL EMPLOYMENT OPPORTUNITIES

JINGGOY

JINGGOY EJERCITO ESTRADA

KAILANGAN

KONSTITUSYON

MUSLIMS AND TRIBAL FILIPINO

SENATE BILL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with