Ang Krus at Karunungan
NGAYON ay nasa ika-23 linggo sa karaniwang panahon. Sino ang makaaalam sa kaloban ng Panginoon. Kapos ang kaisipan ng tao at marupok ang panukala, kapos ang kaisipan ng tao maliban na bigyan siya ng karunungan at lukuban ng diwang banal mula sa kaitaasan upang iwasto sa matuwid na landas.
Salmo: Poon amin kang tahanan noon, ngayon at kailanman.
Ang ating kapwa ay ating kapatid sa Panginon. Ipinaalaala ni Pablo kay Filemon na ituring si Onesima na isang minamahal na kapatid at hindi alipin. Sino kaya sa atin na minamahal ang ating mga kasambahay dati ang tawag natin ay katulong.
Nilikha tayo ng Diyos kaya siya ang dapat nating ibigin nang wagas higit sa lahat maging ating magulang, kapatid at sino pa man. Ang ating mga magulang ay instrumento lamang ng Diyos upang tayo ay likhain. Itakwil ang magulang, pasanin ang krus at itatwa ang lahat nang bagay ng mga batas ng ating pagiging mga disipulo ni Hesus.
Kaya ang una nating pag-uukulan ng pansin tuwina ay ang Diyos. Magpatuloy tayo sa pagpuri, pagpasalamat at paghingi ng tawad. Bilang alagad ng Panginoon ay dapat nating pasanin ang sariling krus. Ito ang ating pundasyon upang itayo ang ating buhay na pinatatag at pinagtibay ng Krus at Karunungan.
Karunungan 9:13-18b; Salmo 89; Filemon 9:10, 12-17 at Lk 14:25-33
- Latest
- Trending