^

PSN Opinyon

Kilos, P-Noy

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

NAGTUTURUAN at nagsisisihan. Ganyan ang nangya­yari kapag may mga kahindik-hindik at madugong pangyayari. Ililigtas ang sarili para hindi maparusahan. Sa nangyaring hostage taking noong nakaraang linggo, ka­puna-puna na nagtuturuan na ang mga opisyal ng gobyerno at Philippine National Police. Mabuti na lang at inako ng hepe ng Manila Police District ang pagka­kamali. Nagbitiw na siya sa puwesto bilang hepe. Pero dapat may mga matataas pa sa kanya na magpakita ng delikadesa.

Malaking kasiraan sa Pilipinas ang nangyari. Nakita ang kawalan ng kakayahan ng PNP particular ang mga SWAT ng MPD kung paano ire-rescue ang mga hostages. Urung-sulong sila. Kakatwa nga na ang kahulugan pala ng SWAT ay Sana Wag Akong Tamaan at Sori Wala Akong Tactics.

Nag-iisa ang hostage taker at kung mahuhusay at kumpleto sa gamit ang mga SWAT, baka hindi na inabot ng dilim ang krisis. Nalantad din na walang ginawang mahusay na paraan para makumbinsi ang hostage taker na si Senior Insp. Rolando Mendoza. Sa halip na pa­yapain, ginalit pa dahil inaresto ng MPD ang kapatid. Na­kita ni Mendoza ang pag-aresto sa kapatid. Nagalit at namaril siya ng Hong Kong tourists. Walo ang namatay sa hostage drama.

Ang ikinatatakot ko ay ang kalagayan ng OFWs sa Hong Kong. Apektado sila roon. May inalis na sa trabaho at ang iba ay nakakatikim ng masasakit na salita. Maski si Senator Jinggoy ay hinagis ang pass­port nang magtungo siya sa HK.

Kailangan nang kumilos si P-Noy para ganap nang mabuhusan ng tubig ang nag-aapoy na galit ng mga taga-Hong Kong. At isa sa maaaring makahupa ng ka­nilang galit ay kung maibibigay agad ng RP ang findings ng im­bes­tigasyon. Huwag nang pata­galin pa sapagkat habang tuma­tagal ay lumalaki ang punit sa pag­kakaunawaan ng RP at HK. Dapat maibalik ang imahen na tahimik, mapayapa at masaya ang Pilipinas.

vuukle comment

HONG KONG

MANILA POLICE DISTRICT

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PILIPINAS

ROLANDO MENDOZA

SANA WAG AKONG TAMAAN

SENATOR JINGGOY

SENIOR INSP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with