^

PSN Opinyon

Nagpapabalot ng pagkain ang mga Pinoy

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

HINDI pa rin nawawala sa mga Pinoy ang nakaugaliang pagpapabalot ng pagkain pag-uwi sa bahay matapos ang pagtitipon. Kahit dito sa Amerika ay dala pa rin ang nakaugalian. Pero hindi naman lahat ng Pinoy ay ganito sapagkat merong iba na kahit tinatanong ng may host kung ipagbabalot ng pagkain ay tumatanggi at nagpapasalamat na lamang.

Nakaugalian na ng mga Pinoy na magbalot matapos ang pagtitipon. Ugaling minana ng mga Pinoy noon pa. Kaugalian na ng mga Pinoy na magpakimkim o magpadala sa pag-uwi para ipasalubong sa mga mahal sa buhay. Katangian ng mga Pinoy na tumulong kung nahihirapan ang kanilang mga kababayan sa pagbili sa anumang kailangan katulad ng pagpapadoktor o pagbili ng gamot. Ito ang karaniwang nangyayari sa mga Pinoy sapagkat marami sa kanila ay walang insurance.

Minsan nagulat ako nang makita ang isang Pinay. Napakaganda ng hitsura niya, inayusan siya ng beauty salon na tinulungan ng aking kontribusyon. Natuwa naman ako at pinakikinabangan naman pala kahit na papaano sa ibang paraan. Sinabi sa akin na hindi na muna kinailangang bumili ng anumang pampagamot.

Nakatutulong ng malaki ang pambalot na ipinauuwi sa amin matapos ng pagtitipon. Nangyayari na hindi lamang minsan kundi malimit ang maubusan kami ng nakahandang pagkain sa bahay. Gutom na at wala nang oras pang magluto kung kaya may malaking silbi ang ipinadalang balot.

Noong isang araw na galing ako sa isang party, nagpapabalot na rin hindi lamang mga Pinoy kundi pati na mga Puti at Mexikano. Hindi naman ito nakakahiya sapagkat buong pusong ibinibigay at magagamit naman sa mabuting paraan.

AMERIKA

GUTOM

KAHIT

KATANGIAN

KAUGALIAN

MEXIKANO

MINSAN

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with