^

PSN Opinyon

Gamitan ng kamay na bakal ang kaso sa PAL

- Roy Señeres -

AYON sa batas, the relationship between labor and capital is imbued with public interest. Ang ibig sabihin n’yan, kapag naaapektuhan na ang kapakanan ng bayan dahil sa bangayan sa pagitan ng mga manggagawa at namumuhunan, may karapatan o di kaya’y may obligasyon ang gobyerno na gumamit ng kamay na bakal para mailagay sa ayos ang problema.

Dapat pinipitik na ng kamay na bakal ng gobyerno ang tainga ni Lucio Tan at pagsabihan na hindi tama ang tangka niyang bawasan pa ang mga sahod at benepisyo ng mga piloto sa pamamagitan ng paglilipat sa kanila sa sister company niya na Airphil Express na mas mababa ang mga pasahod katulad ng pasahod ng Cebu Pacific na pag-aari ni John Gokongwei.

 Ang dalawa ay nasa Forbes’ magazine na as among the world’s richest. Samantala ang mga taal na mga Pinoy na mga empleyo nila ay binabarat nila pareho-pareho. Labag sa batas at sa ILO principles ang nagbabawas ng mga accrued salaries and benefits ng mga manggagawa. Kaya kung tumalikod kay Lucio ang mga piloto, hindi sila dapat sisihin dahil nauna si Lucio na nanakit. He drew the first blood ayon sa mga Inglisero.

 Ngunit ang mga piloto ay dapat gamitan din ng kamay na bakal. Hindi tama ang sinabi ng mahal kong kalihim ng DOLE na si Linda Baldoz na wala na tayong magagawa sa mga pilotong nagsi-resign dahil pupirma raw sila ng mga employment contract nila sa abroad. Illegal ang ginawa nila. Ang turing sa kanila ngayon ay mga OFW na at dapat sumunod sila sa POEA rules na kailangan aprubado ng POEA ang mga kontrata nila or else ay puwede silang harangin   sa NAIA as undocumented OFWs.

Ang POEA rules ay da­pat pinapatupad sa lahat, maging doctor man, o nurse o entertainer o domestic helper o pilo­to. Isa pang dapat gamitan ng kamay na bakal ay ang HK Air. Puwede ba yong pina-pirate na lang nila basta-basta ang mga piloto ng flag carrier natin?

Dapat pinatawag na ni DFA Secretary Romulo ang Ambassador ng China at isumbong ang pamimirata ng HK Air. Ang may hawak kasi ng Hong Kong ngayon ay ang mainland China. Ito ang sabihin mo Manong Bert sa Chinese Ambassador...Wakanga! Excellency, HK Air is a modern day pirate. Its piracy is detrimental to the bilateral relations of the Philippines and China.

AIRPHIL EXPRESS

CEBU PACIFIC

CHINESE AMBASSADOR

DAPAT

HONG KONG

JOHN GOKONGWEI

LINDA BALDOZ

LUCIO

LUCIO TAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with