^

PSN Opinyon

Ikot ni Balot

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

ABALANG-ABALA ngayong tag-ulan si Marikina City Mayor Del de Guzman. Ayaw ni De Guzman na maulit ang pinsalang dulot ng bagyong Ondoy noong nakaraang taon. Kaya kung anu-anong organisasyon na lang ang nilapitan ni De Guzman para isulong ang mga proyektong sa tingin niya ay makakatulong para hindi na bahain ang kanyang siyudad. Sinasanay ng Philippine National Red Cross-Marikina chapter at 502nd Marikina Ready Reserve Battalion ang mga sibilyan para sa mga emergency response tulad ng rappelling, pag-operate ng rubber boats, mountain climbing at iba pang uri ng ehersisyo. Nais ni De Guzman na maging handa ang mga residente para iligtas ang mga sarili o kapitbahay nila sa panahon ng kalamidad at hindi na sila aasa pa sa lokal na pamahalaan.

Habang tuliro sa kaiisip si De Guzman kung paano ililigtas sa kapahamakan ang kanyang nasasakupan, abala rin sa pag-iikot si Gary Mendoza, alyas Balot para sa pagkakitaan. Kinakausap ni Mendoza ang lahat ng may palaro sa Marikina at ang ginigisa ay ang pangalan nina De Guzman at konsehal Elmer Nepomuceno. Kumokolekta ng P50,000 advance si Mendoza sa mga nais magpatayo ng peryahan sa Marikina sa darating na buwan at mga operators ng sugal-lupa tulad ng lotteng. Dapat hagupitin nina De Guzman at Nepomu­ceno si Mendoza para huwag na siyang pamarisan pa ng ilang mapagsamantalang nilalang. Kapag hindi kasi umaksiyon sina De Guzman at Nepomuceno, ibig sabihin may basbas nila itong pangongolekta ni Mendoza. Bata kaya nina De Guzman at Nepomuceno si Mendoza? Pag nagkataon kasi, kawawa naman ang mga financiers ng perya at lotteng kapag tinakbuhan niya.

Kulang sa pondo ang Marikina dahil hindi sapat ang iniwan sa kanila ng nakaraang administrasyon. Binigyan ng tax holiday ang mga residente doon hanggang 2013 para makabawi sila sa pananalasa ni Ondoy. Ibig kong sabihin, hindi magtataas ng tax, ang siyudad, ang primero nilang pagkakitaan, kaya hindi na alam ni De Guzman kung saan siya hahagilap ng pondo. Subalit hindi magandang tingnan kung pati itong sugal-lupa ay papatulan nila. Baka wala nang maisip na paraan?

Paano iimbestigahan ni DILG Sec. Jesse Robredo ang gawain ni Mendoza kung mismong opisina niya ay may nangongolekta rin? Habang hindi itinataas ni Robredo ang kamay na bakal laban kina Rey Cachuela, Ely Fontanilla, Spike Tuazon at Jerry Salustiano, wala siyang karapatan na makialam sa iba pang tong kolektor. Abangan!

DE GUZMAN

ELMER NEPOMUCENO

ELY FONTANILLA

GARY MENDOZA

GUZMAN

HABANG

JERRY SALUSTIANO

MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with