^

PSN Opinyon

Pag-inom ng alak at cancer sa sikmura

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

Dr. Elicano, na-diagnosed na may cancer sa sikmura ang aking ama. Siya ay 60 taong gulang at biyudo na. Sumasailalim siya sa chemotherapy bagamat naalis na ang lump sa itaas na bahagi ng kanyang abdomen. Hindi alam ng aking ama ang dahilan ng cancer niya sa sikmura, pero inamin niyang malakas siyang uminom ng alak.

Bigyang linaw n’yo nga po ang kaugnayan ng pag-inom ng alak at cancer sa sikmura. — VIOLY ng Kahilum, Pandacan

Hindi pa kumpirmado na ang alak nga ang dahilan kaya may nagkakaroon ng cancer sa sikmura bagamat may mga pag-aaral na ang labis at walang patumanggang pag-inom ng alak ang dahilan nga nito. Nakikita ring dahilan ang history ng pagkakaroon ng cancer ng mga kamag-anak.

Sintomas ng cancer sa sikmura ay ang hindi matu­nawan, pakiramdam na laging full ang tiyan, kirot sa sik­mura, pagsusuka at nausea. Kapag nasa malalang stages na ang cancer, nawawalan ng panlasa ang may cancer, pagbaba ng timbang, pananakit ng itaas na bahagi ng tiyan, pagkakaroon ng dugo sa dumi at pag­suka ng dugo. May makakapang bukol sa itaas na bahagi ng tiyan.

Kapag napansin ang mga nabanggit na sintomas, ku­munsulta sa doctor. Ang treatment ay kinabibilangan ng pag-opera sa bukol, chemotheraphy at radiotheraphy.

BIGYANG

CANCER

DR. ELICANO

KAHILUM

KAPAG

NAKIKITA

PANDACAN

SINTOMAS

SIYA

SUMASAILALIM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with