^

PSN Opinyon

Zambo, niyanig ng pagsabog

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

HINDI pa malaman ng mga authorities sa Zamboanga kung sino ang grupo ng mga gago ang nagbigay ng basbas para yanigin ng pagsabog ang labas ng arrival area ng Zambo airport dahi al blanko pa sila todits at iniimbestigahan pa ang kaso.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinagalaw na ng mga authorities ang kanilang mga asset para malaman kung sinong kamote ang naghasik ng lagim sa nasabing province of the Philippines my Philippines.

Pinapawi muna ng mga bright people sa Zambo na kagagawan ng ‘suicide bomber’ ang pagsabog at up to now ay binubusisi muna ng mga ito kung anong klaseng bomba ang ginamit ng mga kamote.

Hindi biro ang nangyari sa Zambo airport porke daming mga innocent civilian ang napahamak at siempre international issue agad ang naganap na insidente.

Kaya naman mabilis ang US of A na tumulong sa pag-iimbestiga sa kaso dahil alam naman natin na hindi biro ang mga pangyayaring ito.

Sabi nga, baka kagagawan ng Al Queda?

Ang nangyaring pagsabog sa Zambo airport ay isang malaking dagok sa Philippines my Phiippines dahil apektado dito ang entire country hindi lang sa turismo kundi pati economy ng bansa.

Matatakot na naman kasi magputahan ang mga foreign tourist sa nasabing place at baka sa iba pang parte ng bansa.

Tiyak may babala na naman ipalalabas ang foreign countries na mag-ingat o huwag munang magpunta sa Philippines.

Nakakabangon na nga ang bansa sa economy heto na naman may mga tarantadong nagbiro ulit.

Sabi nga, gago talaga!

Minamadali ng Zambo government with the help of AFP, PNP ang pagkalkal sa kagaguhan para malaman kung sino ba talaga ang culprit.

Abangan.

Dr. Frisco Nilo ng PAGASA, sinibak

KAWAWA as in kawawa talaga ang nangyaring pagsipa kay Dr. Frisco, senior weather forecaster sa PAGASA porke si P. Noy mismo ang sumibak sa kanya.

Bakit?

Alaws daw itong CESO!

Hindi ba extended ang mga non-CESO official sa Philippines my Philippines bakit si Frisco lang ang nadale at sinibak agad?

May mga tsimis dahil din daw sa kapalpakan noong kasagsagan ng bagyong Basyang nairita si P. Noy porke mali at hindi tumpak ang forecast ng PAGASA kaya may nagsasabing nasabon todits si Frisco.

Sa palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi si Dr. Frisco ang palpak kundi ang mga lumang kagamitan sa PAGASA ang dapat mabigyan ng pansin.

Walang kinalaman ang isang forecaster sa mali o hindi angkop sa nakita niyang bagyong papasok sa Philippines my Philippines dahil ang mga weather satellite na ginagamit at iba pang makina sa nasabing ahensiya ay panahon pa ni kopong-kopong.

Ano ang mabuting gawin?

Bumili ng mga hi-tech at brand new instrument para maging accurate ang PAGASA sa kanilang weather forecasting tulad sa Hong Kong.

Saan kukuha ng funding ang government of the Philippines my Philippines?

Sa pork barrel ng mga pulitiko.

Paano kung ayaw nilang magbigay?

Kamote, problema ninyo iyan!

Alvarez, sinubukan ng mga smuggler

SABIT as in huli ang mga kamoteng nagpalusot ng bigas na idineklarang monggo ng mga ito the other day sa Bureau of Customs.

Saludo ang mga kuwago ng ORA MISMO, kay BOC Commissioner Boyet Alvarez dahil nasungkit niya at sinampahan ng mga kaso ang mga culprit.

Inginuso ng asset kay Boyet na may 84 container vans na may laman imported rice ang ipinuslit sa bureau sa pakikipagsabwatan ng mga bugok sa customs.

Lusot na sana pero dahil sa information sabit sila ngayon.

Ang gustong malaman ni Boyet kung sino ang utak ng rice smuggling sa pier para masampolan at managot sa batas.

Tip....

Commissioner Boyet tanungin mo ang isang ‘money’ Santos siya ang tirador nito kasama ang mga nahuli mo.

Abangan

ABANGAN

AL QUEDA

BOYET

DR. FRISCO

LEFT

PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with