^

PSN Opinyon

Danyos na walang pinsala

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

(Karugtong)

PUMUNTA si Carlo noong April 1986 sa Hong Kong para sa business at pleasure trip kasama ang kanyang mga kaibigan at associates. Isang araw bago siya umalis nagdeposit siya ng $14,000.00 sa kanyang dollar account pero hindi na siya humingi ng reinstatement ng prebilehiyo niya para sa dolyar na transaksyon kaya suspendido pa rin ito.

Noong April 30,1986 bumili si Carlo sa Gucci Department Store sa Hong Kong kasama ang kaibigan na si Danny ng mga gamit na nagkakahalaga ng HK$4,030. Imbis magbayad ng cash, ginamit niya ang Visa card niya. Ngunit matapos niyang ipresenta ang card niya, pinagsabihan siya ng saleslady sa harap ni Danny at ng iba pang mga mamimili na blacklisted na ito kaya hindi na ito tinanggap, at binantaan pa siya na gugupitin pa ito. Nahiya si Carlo at para matapos na ang lahat binayaran na lang niya ng cash ang kanyang pinamili.

Ngunit nang bumalik siya sa Pilipinas ay nagsampa siya ng reklamo sa RTC laban sa EBC dahil sa naranasan niyang kahihiyan sa Gucci Department Store noong hindi tinanggap ang kanyang Visa Card. Kaya humingi siya ng danyos laban sa EBC. Bilang depensa sinabi ng EBC na ang card ni Carlo ay suspendido dahil hindi pa niya nabayaran ang dati niyang utang sa banko sa tamang oras at hindi rin niya napanatili ang kailangang balanse ng deposito. Matapos ang paglilitis nagdesisyon ang RTC pabor kay Carlo at ginantimpalaan siya ng actual damages na naghahalagang P200,000.00, exemplary damages na naghahalagang P100,000.00 at P100,000.00 attorney’s fees.

Apirmado ng CA ang desisyon ng RTC sa apela ngunit binabaan sa P100,000.00 ang moral damages. Sabi ng CA naging pabaya ang EBC nang hindi nila ipinaalam kay Carlo na suspendido ang kanyang credit card bago siya pumuntang Hong Kong. Ginamit daw ng EBC ang karapatan nito sa awtomatikong pagsuspinde nang walang patumangga. Tama ba ang CA?

MALI. Sa kasong paglabag sa kontrata tulad nito, ang moral damages ay makukuha lamang kapag ang paglabag ay walang ingat, malisyoso, walang magandang loob at mapang-api o mapang-abuso. Dito sa kaso may probisyon ng Automatic Suspension sa ilalim ng Credit Card Agreement. Kaya walang basehan para ideklara ang EBC na negligent o pabaya sa hindi nito pag-abiso kay Carlo na suspendido pa ang card niya bago siya umalis patungong Hongkong. May opsyon pa nga ang EBC na magdesisyon kung ibabalik o tuluyang kakanselahin na ang card na suspendido.

Kahit sa aspetong walang pag-ingat hindi rin mananagot ang EBC sa moral damages. Nakaranas nga si Carlo ng danyos resulta ng di-pagkilala ng kanyang card nguni’t upang makakuha siya ng danyos dahil sa pinsala, kailangan niyang mapatunayan na ito ay sanhi ng paglabag ng EBC sa kanilang tungkulin. Sa kasong ito, walang paglabag ang EBC dahil ang ginawa nito ay ayon sa kasunduan. Si Carlo lang ang magdadala ng sariling danyos dahil walang batas na magreremedyo sa resulta ng kagagawan na hindi naman labag sa batas (Equitable Banking Corp. vs. Calderon, G.R. 156168, December 14, 2004).

AUTOMATIC SUSPENSION

CARD

CARLO

CREDIT CARD AGREEMENT

EBC

GUCCI DEPARTMENT STORE

HONG KONG

NIYA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with