^

PSN Opinyon

Who's afraid of the truth?

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

MAGANDA ang layunin ng TRUTH COMMISSION. Sino ba naman ang ayaw na ipaalam sa bayan ang mga bahong itinago ng nakaraang administrasyon? Sa bawat pagkakataon nitong huling sampung taon, ginamit ng Malacañang ang lahat ng gimik upang matakasan ang pananagutan para sa mga iskandalong naibunyag. At kung walang butas, gumawa ng butas tulad ng E.O. 464 na nagpalawak sa Executive Privilege na sinegunduhan naman ng Supreme Court sa kasong Senate vs. Ermita.

Sapat na bang pamantayan ang magandang layunin upang timbangin ang legalidad ng aksyon ng pamahalaan? Siyempre hindi. Kapag ang paraang ginamit ay hindi wasto, ano mang ganda ng layunin ay hindi maipaliliwanag ang nangyaring kamalian upang ito’y makamit. Ang kasabihang “the end justifies the means” ay walang lugar sa isang lipunang sumusunod sa batas.

Dito tayo tinangay ng usaping TRUTH COMMISSION. Siyempre, diskumpiyado tayo sa motibo ng mga kumukontrang alagad ni Arroyo na malinaw na pinuproteksyunan ang kanilang Bossing. Ang problema’y may punto sila. Lumalabas na tatlo ang issue: (a) may kapangyarihan ba ang Pangulo na magtatag ng ganitong opisina sa kabila ng katotohanang ang pagbuo ng mga opisina ay isang kapangyarihan ng Kongreso?; (b) maari ba itong pondohan ng Pangulo gayong ang Kongreso ang may kapangyarihan sa pananalapi, kasama na ang pagpondo ng mga opisina?; (c) may kapangyarihan ba ang COMMISSION na piliting tumestigo ang mga iimbitahin at kapag hindi ito magsalita’y parusahan tulad ng kapangyarihan ng mga mahistrado?

Answer Key: (a) yes; (b) yes; (c) NO. Tinawag na contempt power, ang karapatang patawan ng kaparusahan ang sinumang hindi makikipag-ugnayan at magtatapat sa isang ahensyang nag-iimbestiga ay kapangyarihang nakaluklok sa ating Judicial Department. Maari lamang itong gamitin     ng ahensya ng ehekutibo tulad ng isang truth commission kung ito’y malinaw na ginawad ng Kongreso sa pamamagitan ng batas. Paano mangyayari yan dito gayong hindi ang Kongreso kung hindi ang Pangulo sa pamamagitan ng isang executive order ang nagtatag ng commission?

Kapag walang contempt power, pa­ano mapipilit ang mga testigo? Kung si Neri and Co. hindi nasindak sa Se­nado na walang kaduda-dudang may ngipin, sino ba naman ang mata­takot ka­pag na­im­bitahan na ng isang bungal na Commis­sion? Ma­­­­ganda ang layunin. Itama na lang sana ang paraang magamit upang ito’y makamit. Hilingin sa Kongreso ang kakulangan o di kaya’y utusan ang DOJ o OMBUDSMAN na gawin ang kanilang trabaho. Huwag gamitin ang magandang layunin bilang katwiran na balewalain ang mga proteksyon ng batas.

ANSWER KEY

EXECUTIVE PRIVILEGE

JUDICIAL DEPARTMENT

KAPAG

KONGRESO

NERI AND CO

PANGULO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with