Pinagloloko lang ni Supt. Maristelo Manalo, hepe ng Anti-Carnapping Group ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga kasamahan ko sa news media.
Ang hindi sinasabi ni Supt. Manalo sa news media ay bagsakan ng mga karnap na sasakyan ni Ivan Padilla ang kaniyang asset na si alyas “Tisoy”.
Alam ni Supt. Manalo ang mga aktibidades ni Tisoy. Nitong buwan ng Hulyo, tatlong mga karnap na sasakyan ang naibenta ni Tisoy na galing kay Ivan.
Isang Toyota Fortuner na ibinenta lamang ni Ivan ng two hundred thousand pesos kay Tisoy.
Isang 2005 Mazda 323. Nabili ni Tisoy kay Ivan sa halagang one hundred thousand pesos lamang.
Isang Toyota Innova na ipinasa ni Ivan kay Tisoy sa halagang one hundred twenty thousand pesos.
Base sa intel sa loob ng NCRPO, wala sa kanilang profile si Ivan Padilla na binabantayan bilang notorious karnaper. Itinuturing isang bagitong small time- amateur lang daw si Ivan Padilla.
Ang tunay na pangalan ni alyas Tisoy ay Francis Rigatillo. Nakatira ito sa Filinvest 2 sa Quezon City. Ang lugar na pinagdalhan ni Ivan Padilla ng kinarnap na sasakyan ni Ambassador Roberto Romulo.
Matapos mapakinabangan ni Tisoy si Ivan Padilla, isinet-up niya ito kay Supt. Manalo.
Abangan... may karugtong...