^

PSN Opinyon

Gulo sa NAIA

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

NAGKAGULO last Tuesday ang mga securities manning sa NAIA dahil ‘show of force’ o nagpakitang-galis este mali gilas pala ang mga PASSCOR security guards todits.

Bakit?

Pumustura ang mga PASSCOR sekyu kasi nagsukbit sila ng baril sa loob ng mga terminal ng airport

Sabi nga, nag-fashion show...hehehe!

Ang masama nito bawal ang ginawa nila hindi sa mata ni Lord kundi sa Philippine National Police-Aviation Security Group.

Ang pagkakaalam ng mga kuwago ng ORA MISMO, walang ibang puedeng magdala ng baril sa loob ng terminal ng paliparan kundi ang mga on-duty PNP-AVSEGROUP at APD lamang.

Kahit sino pang matataas na official ng  militar, police, PSG o sinong kamote na gustong pumasok sa loob ng paliparan at may dalang baril dapat makipag-coordinate sila sa proper authorities tulad ng PNP-AVSEGROUP para hindi sila hulihin at mapahiya.

May ruling kasi na ang PNP headquarters sa Crame na lahat ng madlang people na may dalang baril na papasok at sasakay ng aircraft sa airport kailangan dumaan sa masusing inspeksyon at ipakita sa mga PNP-AVSEGROUP ang kanilang mga firearms license at permit to carry firearms.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga pasahero kasi ang nagtataka kung bakit ang mga PASSCOR sekyu ay nagsukbit ng mga baril sa loob ng mga terminal ng NAIA.

Kaya naman umaksyon ang PNP- AVSEGROUP versus PASSCOR sekyu at ipinaliwanag kung bakit hindi sila puedeng mag-baril sa loob ng mga terminal ng NAIA.

Ang siste, nagmatigas ang mga sekyu binalewala ang paliwanag ng PNP kaya napilitan ang huli na kumpiskahin ang mga baril ng mga sekyu na nasa loob ng mga terminal ng paliparan.

Ika nga, nagkagirian!

Bakit ba bawal?

Sagot – dahil sa ICAO, Annex 17 Standard and Recom­mended Practices (SARPS), National Civil Aviation Security Program (NCASP) at Airport Security Program.

Dahil sa mga references na ito nagpalabas ang PNP- AVSEGROUP ng Guidelines in the Carriage of Firearms at the Restricted Areas of the Airport last May 21, 2004.

Ang pinagkasunduan 1. Only PNP and APD personnel who are in the actual performance of their official duties are authorized to carry firearms at the restricted areas of the airport.

At kung may usapin regarding sa peace and order sa landside andyan pa rin ang APD at ang Mobile Patrol and Security Unit (MSPU) ng PNP-AVSEGROUP kaya there is no valid reason to arm the PASSCOR security guards.

Mukhang hindi yata marurunong bumasa ang mga bright people na nagbigay ng order sa mga sekyu na pumasok sa mga terminal at magsukbit ng mga baril.

Ano ba iyan, MIAA general manager Bodet Honrado, Sir?

Ano ang nangyari?

Nagkagulo tuloy!

Sino kayang kamote ang nagpa-bright-bright para pagsukbitin ng mga baril ang PASSCOR sekyu at utusan pumasok sa loob ng mga terminal ng NAIA?

Kahit na may mga papeles pa ang mga baril nilang dala bawal as in bawal ito.... may mga licenses ba lahat? Dapat sigurong dalhin muna ang mga kinumpiskang baril sa PASSCOR sekyu at ipa-verify ang mga ito kung legal sila.

Kung nakita ng mga taga-US-TSA, ICAO at Australian audit noong Martes ang mga sukbit na baril ng PASSCOR sekyu tarantang-taranta na sana ngayon si MIAA gm Honrado dahil tiyak bagsak ang ibibigay na international rating ng mga ito sa NAIA.

Hindi ba nila alam ito?

Naku ha!

Mga bobo .... basahin ninyo muna kasi ang mandatos bago kayo magpa-bright-bright.

Ang problema ng magising sa katotohanan na bawal ang sekyu na magdala ng mga baril sa loob mismo ng terminal ay mabilis na may ‘pumadrino’ para isauli ang mga kinumpiskang baril ng PNP- AVSEGROUP.

AIRPORT SECURITY PROGRAM

ANO

AVSEGROUP

BARIL

LOOB

PASSCOR

PNP

SEKYU

TERMINAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with