^

PSN Opinyon

Psychological incapacity

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

NAGKAKILALA sina Mon at Rona noong 1977. Estudyante pa lamang sila. Niligawan ni Mon si Rona at pagkalipas ng limang buwan ay naging magkasintahan sila.  Kahit na pumunta si Rona sa Japan upang mag-aral at makapagturo roon, patuloy pa rin ang komunikasyon nila ni Mon.

Nang makabalik sa bansa si Rona noong 1982, nagdesisyon sila ni Mon na magpakasal sa huwes at di nagtagal ay ikinasal din sila sa simbahan. Binuklod nila ang kanilang pagsasama ng buong pagmamahal at nagkaroon sila ng dalawang anak.  Inalagaan ni Rona ang asawa at mga anak at sumali sa isang “sales group” upang madagdagan ang kanilang kinikita. Bagama’t madalas siyang bumibiyahe at nag-aral pa ng salita, kultura at literatura sa Japan, hindi nawala ang pagmamahal at tiwala niya kay Mon.

Makalipas ang walong taon ng magandang samahan, natuklasan ni Rona na may relasyon si Mon kay Naty na kanyang pinsan.  Pinatira pa ni Mon si Naty sa kanilang bahay nang magpunta siya sa Japan at noong 1992 umalis na si Mon sa bahay nila at nagsama na sila ni Naty. Naiwan sa kustodiya ni Rona ang mga bata.  

Sanhi ng kanilang paghihiwalay, nagsampa si Rona ng kasong administratibo at kasong pakikiapid kay Mon. Noong March 7, 1995 nagsampa naman si Mon ng petisyon sa Korte upang ideklarang walang bisa ang kasal nila ni Rona dahil sa “psychological incapacity”. Sinabi ni Mon na madalas silang mag-away ni Rona, mapagmataas at ipinahihiya siya sa kanyang mga kaibigan. Aniya gumagastos si Rona ng labis sa budget nila, gumagawa ng desisyon na hindi siya kinukonsulta, mapaghinala at sobrang selosa kaya siya sinampahan ng kaso.

Sa pagdinig ng kaso, isang ekspertong psychiatrist ang iprinisenta sa korte. Sinabi niya na parehong may depektong psychological sina Mon at Rona dahil sa naging karanasan nila sa kani-kanilang magulang na sobrang istrikto, mahigpit kung magdisiplina at dominante ang mga ito. Maaring ito ang dahilan kung bakit hindi nila magampanan ang mga tungkulin nila bilang mag-asawa. Ayon sa psychiatrist  mahina ang loob ni Rona, walang tiwala sa sarili at sa ibang tao at “immature”. Si Mon naman ay mayabang, madalas na naghahanap ng papuri at atensyon upang mapagtakpan ang kahinaan. Noong Mayo 31, 2000 idineklara ng RTC na walang bisa ang kanilang kasal dahil sa psychological incapacity ayon sa Article 36 ng Family Code. (Itutuloy)

ANIYA

FAMILY CODE

MON

NATY

NILA

NOONG MARCH

NOONG MAYO

RONA

SI MON

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with