^

PSN Opinyon

Protesta, protesta at protesta pa!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

ALAM kaya ng madlang people sa Philippines my Philippines na sina 2nd District Ilocos Rep. Imelda Marcos at 4th District Rep. Lucy Torres Gomez ay dalawa lang sa 56 miembro ng 15th Congress ang nahaharap sa electoral protests sa House of Representatives Electoral Tirbunal.

Naku ha!

Bakit?

Sagot - kasi si Imelda ay kinasuhan ni Mariano Nalupta et al dahil na olat ang huli sa katatapos na May 10 election samantala si Lucy ay inireklamo ni Eufrocino Codilla, Jr. et al.

Bakit?

Nadaya umano sila....Hehehe!

Ganito rin ang nangyari kina retired PNP Chief Supt. Leopoldo Bataoil na nanalo sa 2nd district ng Pangasinan inireklamo siya ni Maria Blanca Kim Lokin.

Sabi nga, nadaya si Mam.

Hindi lang ang mga ito ang inireklamo dahil tinalo nila ang kanilang kalaban sa pulitika tulad nina dating DOJ Secretary Agnes Devanadera na tinalo ni 1st District ng Quezon Rep. Mark Enverga at ang dating Executive Secretary ni GMA na si Eduardo Ermita na nilampaso ni 1st District, Batangas Rep. Tomas Apacible, si Matias Defensor na tinalo ni 3rd District, QC Rep.Jolet Banal, si Didagen Dilangalen ay tinalo ni 1st district, Maguindanao Bai Sandra Sema at si dating BIR Commissioner at naging 2nd district, Camarines Norte Rep. Liwayway Vinzons Chato na tinalo ni Elmer Panotes ay pwang mga nagrereklamo sa HRET.

Sabi nga, hindi kami makakapayag... Hehehe ....sa pagkatalo!

Speed bagal ang proseso sa HRET taon ang binibilang.

Ika nga, tapos na ang termino ng inirereklamo hindi pa tapos ang pagbibilang.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Kahit na anong bilis ang gawin para magkaroon ng decision ang mga protester ay dinadala pa rin ang kaso sa Supreme Court for final approval o appeal.

Kaya naman para sa mga natalong kandidato....ang payo ng mga kuwago ng ORA MISMO, better luck next time!

Ika nga, laban ulit...

NCRPO matakaw ba sa hamburgers?

MATINDI ang imbestigasyon o pagbusisi ng mga newly appointed officials ni P. Noy dyan sa Philippine Amusement and Gaming Corporation regarding sa mga nagastos ng dating appointed officials ni GMA todits.

Sabi nga, scam.

Naku ha .

Totoo kaya ito?

Happy ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa exclusive report at pagkalkal ng mga kabaro ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang ABS-CBN tungkol sa natuklasan P21 million plus na kinain daw na hamburger ng mga taga - NCRPO sa loob ng 8 days.

Naku, ano ba ito?

Nang mabalitaan ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang balitang ito dasal at pasasalamat kay Lord ang ginawa nila dahil hindi sila kinabagan sa pag-tsibog ng hamburger.

Ang P21 million plus worth of hamburgers ay alam ni NCRPO bossing Boysie Rosales.

Sa nadiskubre ng ABS-CBN news isang tired este mali retired employee ng PAGCOR ang nag-cash ng P21 million plus tseke sa isang bangko dyan sa Ermita..

Naku ha!

Puede ba ito?

Sabi nga, hindi na regular employee ng PAGCOR, napagkakatiwalaan pa?

Ika nga, ang suerte naman!

Kaya naman si PAGCOR Chairman Naquiat ay nag­gagalaiti sa shock.

Bakit? P21 million worth of hamburgers kinain sa loob ng walong araw Hehehe!

Kalkalan blues, abangan.

BAKIT

BATANGAS REP

BOYSIE ROSALES

CAMARINES NORTE REP

DISTRICT

HEHEHE

IKA

NAKU

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with