^

PSN Opinyon

Pinoys sa California mawawalan ng trabaho

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

HINDI maganda ang nangyayari dito sa California kung saan nagkakaroon ng problema ang mga taga-rito tung­kol sa kanilang mga trabaho. Sinabi ng gobernador ng California na magbabawas sila ng mga empleyado. Maraming ahensiya ng gobyerno ang apektado sa hakbang na ito. Matindi ang nangyayari sa kompanyang DMV kung saan mahigit kalahati ng mga empleyado ay matatanggal. Yung hindi matatanggal, kalahati na lamang ang magiging suweldo.

Hindi matanggap ng mga taga-California ang nang­yayari. Ang dapat parusahan sa kapalpakan ay ang mga opisyal ng state kung hindi man ang buong pamunuan ng United States. Naniniwala ang mga Californian na hindi sila ang dapat na maparusahan sa nangyayaring kaguluhan.

Nitong mga nakaraang araw, sinabi ng governor ng California na tagilid ang kalagayan ng ekonomiya kaya kailangang magtanggal ng mga empleyado at magbawas ng suweldo. Nakita sa TV ang pag-angal at pagpoprotesta ng mga empleyado ng DMV sa plano ng gobernador. Pati mga ibang hindi naman mga taga-gobyerno na katulad ng mga nurses at mga empleyado ng mga Ospital na apektado naman ng kanilang sariling pagtitipid ay lumabas din sa media nitong mga nakaraang linggo.

Napakarami ng mga problemang hinaharap ni US President Barack Obama. Nakaragdag pa ito sa sakit ng ulo ni Obama maliban sa iba pang mga malalaking problema na katulad ng oil spill na malaki ang epekto sa pang­ka­lahatang nireresolba ng economic at business team ni Obama na hindi pa man naka­ka­usad nang malayo ay ina­butan na kaagad ng paniba­gong problema na naman. Subalit, inaasahan na maaaring makakita rin ng solusyon ang mga Amerikano ng nararapat na solusyon upang makaahon ang US sa mabuti-buting ka­lagayan nito.

Ang nangyayari sa US ay malaki ang epekto sa Pilipinas. Hindi man harapang masasabi ngunit inaasahan din ng US na ang pagganda ng kalagayan ng Pilipinas ay magiging kapaki-pakinabang din sa mga Ameri­kano. Nawa’y makakita ng so­lus­yon ang California upang ang mga empleyado nito na karamihan ay mga Pinoy ay mabiyayaan.

AMERI

AMERIKANO

EMPLEYADO

OBAMA

PILIPINAS

PRESIDENT BARACK OBAMA

SHY

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with