^

PSN Opinyon

Plantsado na si Guttierez bilang hepe ng MPD

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

NAPIGILAN ang pag-upo ni SSupt. Alejandro Guttierez sa Manila Police District. Masasabi kong nagwagi ang mga inggitero sa Camp Crame at NCRPO dahil wala sa bansa si Manila mayor Alfredo Lim. Ayon sa aking kausap, plantsado na ang lahat kapag dumating ngayon si Lim. Wala nang dapat alalahanin si Guttierez na maaagaw sa kanya ang tronong ipinangako sa kanya. At habang pinaplantsa ni Lim sa pamunuan ng Philippine National Police at President Noynoy Aquino, “stay foot” muna bilang Chief of Staff si Guttierez. Kaya ang lahat ng kalakaran sa ngayon ay si SSupt. Fidel Posadas muna ang babalikat. Subsob sa trabaho si Pasadas dahil tatlo ang kanyang butas este tatlo ang kanyang posisyong babalikatin kabilang na rito ang pagiging Officer-in-Charge ng MPD na binakante ni Gen. Rodolfo Magtibay, Deputy Director for Administration na binakante ni SSupt. Egdardo Ladao at Deputy for Operation na dati niyang puwesto.

Kaya huwag mag-aalala ang mga Manileños sa seguridad dahil kayang-kaya lahat iyan gampanan ni Posadas. Iyan ang pagtitiyak ni Posadas nang aking makausap noong Sabado. Ibinida pa ni Posadas ang bagong anyo ng MPD sa akin, dahil ayon sa kanya mula nang makapasok siya sa MPD, pagba­bago agad ang kanyang nasa isip. Dahil magkaklase sila ni Guttierez, naisakutuparan agad ang kanyang plano. Katulad na lamang nang tarpaulin ng MPD streamer, pagpalit ng lion sa lobby na ngayo’y askal na este tunay na replika ng lion na may silver Badges at paglalagay ng dalawang dancing fountain.

Kaya kung ang tandem umano nila ni Guttierez ang mama­mayani sa MPD tiyak na magiging maayos ang lahat. Dahil sa tunay na Manila’s Finest si Guttierez walang duda na siya na ang magiging director sa hinaharap. Kung sabagay tama si Posadas na katigan ang kanyang kaklase dahil sino nga ba naman ang ipupuwesto, di ba dapat pulis Maynila rin. Si Mayor Lim magmula patrolman hanggang sa maging hepe ay ibinuhos ang galing sa MPD.

Kaugnay sa naunsyaming turn-over ceremony noong naka­raang Huwebes, nanggagalaiti pala ang isang catering services sa mga inggitero dahil naunsiyami ang kikitain nilang P30,000. Hindi lamang catering ang nagalit dahil maraming kapulisan din siyempre ang natakam na mamantikaan ang kanilang labi sa bonggang handaan. At ang higit sa lahat na pinanabikan ng mga kapulisan ay kung sinu-sinong opisyal ang mabibigyan ng puwesto. Matunog ang usap-usapan na wawalisin ni Guttierez sa MPD ang mga walang “say” na opisyales upang ipuwesto ang kanyang mga katuwang sa trabaho. Abangan!

ALEJANDRO GUTTIEREZ

ALFREDO LIM

CAMP CRAME

CHIEF OF STAFF

DAHIL

DEPUTY DIRECTOR

EGDARDO LADAO

FIDEL POSADAS

GUTTIEREZ

KAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with