^

PSN Opinyon

Batch 78 kasi si Gen. Rosales

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

KUNG sino ang pursigido sa trabaho siya ang binabaklas sa serbisyo. Katulad na lamang sa napipintong pagbaklas kay NCRPO chief Roberto “ Boysie” Rosales sa puwesto dahil kabilang siya sa Batch 78 na malapit kay dating Pres. Gloria Macapagal-Arroyo. Masama ba kung naging matapat man si Rosales kay GMA noon? Ginampanan lamang ni Rosales ang kanyang tungkulin. At iyan din ang kanyang gagawin sa liderato ni P-Noy. Naka-panghihinayang na ang isang katulad ni Rosales ang pag-iinitan ng mga sipsip kay P-Noy.

Mantakin n’yo mga suki, halos lahat nang malalaking shabu lab sa Metro Manila at karatig lalawigan, si Rosales ang sumalakay at ikinapilay ng operasyon nito. Kabilang na rito ang paghuli kay Mayor Mitra na hanggang sa kasalukuyan ay nasa bilangguan. Matagumpay ang operasyon nina Rosales sa mga laboratoryo sa Manila, Taguig, at Antipolo at nakahuli ng Chinese Nationals. Nitong nagdaang gabi lamang, ipinamalas ni Rosales ang kanyang galing nang mahuli ang limang Chinese nationals na sina Michelle Lee, Allan Co, Eugene Go, Danny Lim at Bhing Dy sa unit 63, Euro Villa Town House, New Panaderos, Sta. Ana, Manila. Nasorpresa sila sa ginawang pagsalakay ng Regional Police Intelligence Operation Unit- Regional Anti-Illegal Drugs na pinamumunuan ni SSupt. Leo Francisco. Nasamsam ang mahigit sa 20 kilong shabu.

Matagal na palang minamanmanan ng grupo ni Francisco ang kilos ng mga dayuhan matapos inguso ng ilang kapitbahay na labis ang pag-aalala sa masangsang na amoy na nagmumula sa naturang unit. Nahirapang makapasok ang mga operatiba ni Rosales, ngunit bumagsak din ang mga suspek. Ganyan ba ang dapat bunutin sa puwesto? Mukhang maling bubuyog yata ang nasa tainga ni P-Noy kung may katotohanan ang balita na sisibakin si Rosales at itatalaga sa kangkungan. May bulung-bulungan na maraming nasagasaan si Rosales sa paglaganap ng droga. Maging si Rosales ay nagsabing “Mahirap sawatain ang sindikato ng droga dahil may mga opisyales ng pamahalaan ang nakikinabang”.

Tama sa tingin ko si Rosales dahil kung talagang gu­gustuhin matagal nang nalansag at napuksa ang drug syndicate. General Rosales saludo ako sa iyong kasi-pagan at katatagan sa serbisyo. Ganyan talaga ang buhay “Kayo noon, kami naman ngayon” ang nasa isip ng mga sipsip kay P-Noy. Kaya’t huwag kang lulubay Gen. Rosales sa iyong krusada sa pagsugpo ng droga dahil marami kang masasagip na buhay sa hinaharap at baka mabaling ang isipan ni P. Noy sa ipinakikita mong trabaho.

ALLAN CO

BHING DY

CHINESE NATIONALS

DANNY LIM

EUGENE GO

EURO VILLA TOWN HOUSE

GANYAN

P-NOY

ROSALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with