^

PSN Opinyon

Edgardo de Leon Santos, 54

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

NAKIKIRAMAY ang mga kuwago ng ORA MISMO, dahil kinuha ni Lord si Edgardo de Leon Santos, utol ni Angie Isidro, ang aming bossing sa Pilipino Star Ngayon accounting department matapos itong atakihin sa puso.

Ngayon ang libing ni Edgardo sa Bataan sa mga ka­mag-anak, tropa, kaibigan at mga kakilala isang mata­imtim na dasal ang hiling ng pamilya nito.

Cherry Mobile 2 in 1

ITO ang come-on o pang-engganyo ng Cherry Mobile cell phone sa madlang public ngayon porke very practical ang two phones - in-one dahil ang madlang people sa Philippines my Philippines ay madalas magpalit ng mga cel upang subukin ang mga latest gadget o pro­duct.

Ang Cherry mobile ay may price from P999 to P7,000.

Sabi nga, very affordable kung ikukumpara sa ibang cell phones.

Kaya naman dahil sa yakang-yaka ang price kaya itong bilhin ng first - time users.

Tama ba, Kamote? Hehehe!

Once upon a time, naging novelty ang mga dual SIM Cell phone kaya naman halos lahat ng cell phone users ay gumamit ng two-in-one.

Isa itong bargain ‘ di ba?’ At iyan ang unang pumasok sa isip ng buyers ng Cherry Mobile cell phones.

Hindi biro ang outlet ng mga Cherry cell phone para sa mga users na gustong gumamit ng dual SIM

Dumadalang na ang dual-users kahit na sangkatutak na madlang people ang gustong magkaroon ng two -cel -in-one kasi dehins naman practical ang cost because ang pagme-maintain ng dual SIM cell phone ay dumo- double.  

Bakit?

Sagot - magastos!      

Ang cell phones ng Cherry Mobile ay dinisenyo upang tugunan ang pangangailangan ng Pinoy users.

Ika nga, sa halagang P2,900 makaka-score na ng Cherry Mobile D20 Life model ang mga gustong bumili nito.

Sabi nga, mura na, matibay pa!

May 2 gig micro SD card, camera at bluetooth capable ang nasabing model at dual SIM din ito.

Ang isa pang model ng Cherry Mobile ay ang D50 Inertia na may 1.3 megapixel camera, sporty design at bluetooth capable din ang presyo ay kayang-kaya P3,700 lang.

Sabi nga, dahil mura ang price sangkatutak ang buyers.

Siyempre hindi maiiwasan ang mga reklamo. Mahina daw ang signal ng Cherry mobile phone kahit ano’ng SIM card ang gamitin.

Hindi cell phone ang problema kung mahina ang signal. Ito ay ang location ng user.

Although mapapagkatiwalaang brand ang gusto ng cell phone users, hindi naman masama kung susubukan nila ang Cherry mobile phones.

Mura, maganda ang disenyo at matibay pa.

Ano pa ang hinihintay ninyo bakit hindi n’nyo subukan?

Destiny Internet cable palpak!

HINDI lang isa, dalawa, tatlo kundi marami na ring beses naranasan ng mga kasangga ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang kapalpakan ng Destiny Internet cable dahil kalimitan sira ito.

Sabi nga, katulad kahapon ng hapon!

Kaya naman ang mga anak ng mga kasangga ng mga kuwago ng ORA MISMO, kahit gabi o umuulan ay nag­pupunta sa mga computer shops para mag-internet kapag nasira ang Destiny Internet cable.

Madalas kasing sa internet nagre-reserch ang ilang students kapag may mga assignment ito sa school.

Sana magawan ng paraan ng Destiny Internet cable ang kanilang pasira-sirang serbisyo baka kasi mapundi ang mga consumer nila at sa ibang cable company magpa-subscribe. Hehehe!

ANG CHERRY

CELL

CHERRY

CHERRY MOBILE

DESTINY INTERNET

MOBILE

PHONE

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with