^

PSN Opinyon

Arogansya sa gabinete

- Al G. Pedroche -

NAPIKON sa dalawang cabinet officials ni Presidente Benigno Aquino III ang ilang reporters noong isang linggo. Una kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda kaugnay ng biglaang pagbabago sa teksto ng unang memorandum circular na nagdedeklarang bakante ang lahat ng non-career positions sa pamahalaan.

Medyo nairita si Lacierda sa pasaring ng mga reporters na ito’y isang “big blunder” sa unang direktiba ng Aquino administration at dun na nag-umpisa ang argumento.

Sinundan ito ng pakikipagtalo ng mga reporters kay Bro. Armin Luistro, secretary of education sa issue ng “sex education.” Nang tanungin si Luistro sa kontrobersyal na isyung ito, tahasang sinabi ni Luistro na huwag siyang tanungin sa usaping ito dahil hindi naman nakatutulong ang media.

Tila may dating na “arogante” si Luistro na sumalpok sa mga miyembro ng fourth estate na may kataasan din naman ang pride. Parang sinabi niya na maglubay na ang media dahil walang naidudulot na mabuti. Maituturing itong pag-atake sa karapatan ng pamamahayag na protektado at ginagarantiyahan ng Konstitusyon sa ating “Bill of Rights.” Ngunit nang mahimasmasan si Luistro, nilinaw niya na prioridad ng kanyang departamento na repasuhin ang sex education program ng nakalipas na administrasyon.

Tingin ko’y miscommunication lang ang nangyari sa pagitan ng mga mamamahayag at ilang kasapi ng gabinete ni P-Noy. Ganyang-ganyan noong panahon ni Presidente Corazon Aquino. Ang tingin palibhasa ng mga opisyal ng administrasyon ay naglilingkod sila sa “mesiyas ng demokrasya” kaya nagkaroon ng air of arrogance. Napakaliit ng tingin nila noon sa mga media practitioners.

Ang hindi nila nari-realize, ang ano mang paglait sa media ay paglait din sa probisyon ng Konstitusyon kaugnay ng kalayaan sa pamamahayag, at kung magkaganoon, ang isang nang-iismol sa media ay ni walang karapatan para maging mamamayang Pilipino at magsilbi sa gobyerno.

AQUINO

ARMIN LUISTRO

BILL OF RIGHTS

GANYANG

KONSTITUSYON

LACIERDA

LUISTRO

PRESIDENTE BENIGNO AQUINO

PRESIDENTE CORAZON AQUINO

PRESIDENTIAL SPOKESMAN EDWIN LACIERDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with