^

PSN Opinyon

2nd National Press Club Racing Cup

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

TOMORROW ang pakarera ng kabayo ng NPC dyan sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite.

Pangungunahan ni NPC Director Freddie Manalac ang pagbibigay ng mga awards sa mga mananalong kabayo.

Iniimbitahan ang mga karerista na suportahan ang NPC Racing Cup.

Parayno hinaharang sa BOC

MARAMI ang nagtaasan ng kilay sa napabalitang pagpasok muli ni dating Philippine Navy Commander Willy Parayno sa Bureau of Customs bilang Commissioner.

Bakit?

Bulabog kasi ang mga smuggler todits hindi lang sa MICP, POM, Port of Batangas kundi maging sa SBMA, Cebu, Davao.

Isang Rolly taba, sinasabing rakpadudels ang patong sa lahat ng kalokohan sa Davao City tulad ng smuggling of rice.

Ang nakakainis pa dito kay Rolly taba, ginagamit pa niya o ginagasgas ang pangalan ni dating House Speaker Prospero Nograles sa kanyang kagaguhan.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Nagliligpit na rin ang tinagurian ‘palad connection’ sa bureau sa pagdating ni Parayno dahil alam ng mga kamoteng ito ang kanilang sasapitin.

Sabi nga, makakasuhan.

Ang palad connection ay naging instant millionaire noon panahon ni GMA.

Walang nakatinag sa palad connection sa takot ng mga kamoteng official dito na masumbong sila sa malakanin este mali Malacañang pala.

Totoo kaya ito?

Nananawagan din ang ibang official sa bureau na imbestigahan ni P. Noy ang ‘electronic -to -mobile o E2M dahil gamit daw ito sa smuggling ?

Abangan.

Ahensiya ng gov’t sa NAIA nagkakaisa

DAHIL sa proper coordination ng mga ahensiya ng government of the Republic of the Philippines my Philippines sa NAIA isa-isa ng nahuhulog sa bitag ang mga gagong miembro ng sindikato todits.

Maganda ang mga naging accomplishment ni MIAA general manager Atty. Melvin A. Matibag kahit hindi pa gaanong nag-iinit ang kanyang puwit sa bago niyang trono.

Sunud-sunod na hulihan blues ang nangyari sa grupo ng mga sindikatong nagsasagawa ng illegal operation sa airport tulad ng human trafficking, illegal drugs, salisi gang, colorum echetera.

Hindi ito nakalusot sa mga mata ni Matibag dahil sa mga magagandang ipinakita niya sa mga ahensiya ng gobierno na may operasyon sa nasabing paliparan tulad ng Immigration, PDEA, Customs, DOLE.

Mayroon kasing proper coordination ang mga ahensiya todits.

Sabi nga, walang sapawan.

Sa loob na 24 years na itinaggal ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa coverage sa NAIA ngayon lang nakita ng mga kamote sa katauhan ni Matibag ang tamang direksyon ng kanyang pamamalakad sa airport.

Sabi nga, hindi nagawa ng ibang managers.

Ibinibigay kasi ni Matibag ang para sa tao tulad ng intel funds sa mga operator na naniniktik ng mga sindikato todits.

Noon kasi ayaw magsalita o magsumbong ang mga informer dahil sa walang mangyayari sa kanila.

Ika nga, walang reward nasa bingit pa ng kamatayan ang life nila plus family. Hehehe!

Hindi lang ang mga ahensiya ng gobierno ang may magandang coordination kundi pati mga foreign secret service ay natutuwa na rin.

Kaya naman nanghihinayang ang mga kuwago ng ORA MISMO, sampu ng mga empleado sa MIAA na mapalitan ang si Melvin.

Abangan. 

3 cock derby ni Biyong Garing

MAGANDA ang premyo ni Atty. Biyong Garing sa kanyang pa-3 cock derby tomorrow dyan sa Victoria cockpit sa Victoria, Oriental Mindoro.

Kaya naman iniimbitahan ni Biyong ang mga sabungero from Batangas, Mindoro at ibang lugar sa Philippines my Philippines na subukan ang kanilang manok sa nasabing engkuentro.

Good luck!

ABANGAN

ANA PARK

BIYONG GARING

BUREAU OF CUSTOMS

DAVAO CITY

DIRECTOR FREDDIE MANALAC

HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES

MATIBAG

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with