^

PSN Opinyon

GMA, Mike 'di pa lusot sa ZTE

- Al G. Pedroche -

KAHAPON, ang ZTE whistle-blower at natalong senatorial candidate na si Joey de Venecia ay nasa tanggapan ng Star Group of Publications. Casually, nakipaghuntahan siya sa mga editors kasama ang ating CEO na si Miguel Belmonte   sa harap ng dalawang bilaong pansit, loaf bread at soft drinks. Ang istoria puwede kong i-share sa inyo pero hindi yung pagkain. He-he-he.

Masayang ibinalita niya na ikakasal na siya within the week sa malaon nang sweetheart na si Karen Batumbacal, isang chemical engineer na kapareho niyang 46 years old. Congrats sa iyo Joey! Tulad ni Joey, hindi naging successful ang unang pag-aasawa ni Karen. Kapwa sila hiwalay sa unang asawa at ngayo’y natagpuan ang “bagong pag-ibig.” Ang civil wedding ay gaganapin sa Makati at ang magkakasal ay walang iba kundi si outgoing Mayor na ngayo’y Vice President Jojo Binay. Isa rin sa mga ninong si dating Presidente Joseph Estrada.

Hindi maiwasang mapadpad ang pag-uusap sa kaso ng $329-M ZTE-NBN broadband deal. Alam na natin na magsisimula na ang paglilitis sa dalawang maliit na dilis na dawit sa kaso: Sina ex-Comelec Chair Ben Abalos at ex-NEDA Director Romulo Neri na ngayo’y SSS chief. Sila lang ang sinampahan ng kaso ng Ombudsman at lusot sina Presidente Arroyo at asawang si Mike Arroyo.

Nalungkot si Joey pero tiniyak na ipupursigi niyang masalang sa karampatang paglilitis ang tunay na utak sa kontrobersyal na multi-milyong dolyar ZTE-National Broadband Network deal.

Nakatakdang tumestigo muli sa Sandiganbayan si de Venecia sa pagsisimula ng pagdinig sa kaso ano mang araw mula ngayon. Kaso, wala sa hanay ng mga lilitisin ang mga pinaniniwalaang utak sa multi-million dollar scam. “Kung kina­kailangan ay kikilos ako para tiyaking mananagot ang mga utak sa kasong ito” ani de Venecia.

Nagpahayag naman ng pag-asa si de Venecia na sa pagpasok ng bagong Kongreso, itutuloy ng mga Kongresista ang pagbusisi sa kaso upang lumabas ang katotohanan hinggil sa posibleng pagkakaugnay ng Pangulo na uupung Kongresista ng Pampanga at ng asawang si Mike Arroyo.

Well, sabi nga ng popular na linya ni dating President Ramos “Abangan.” Kasi, hindi man maging Speaker of the House si PGMA, naririyan ang image niya bilang dating Pangulo. First in history na magkaroon ng Kongresista na dating Pangulo. Pati nga opisina niya sa Kongreso ay hindi ordinaryo.

Magkaroon kaya siya ng espesyal na pagtrato pag-upo niya bilang deputado ng Pampanga?

COMELEC CHAIR BEN ABALOS

DIRECTOR ROMULO NERI

KAREN BATUMBACAL

KONGRESISTA

KONGRESO

MIGUEL BELMONTE

MIKE ARROYO

PANGULO

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with