LTO hindi palpak

Hindi naman pala dapat sisihin ang Land Transportation Office sa hindi pa pagkakaroon ng agarang plaka at papeles ang mga sasakyan na iparerehistro sa kanila.

Sabi nga, brand new vehicles.

Ayon sa asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi kulang kundi sobrang dami ng car plates ng mga brand new vehicles sa LTO ang ugat ng kawalan ng car plates ay palusot lamang ng mga kamoteng dealer.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, naghihintay ang ilang kamoteng dealer na dumami pa ang nabibili sa kanilang mga tsikot bago nila ito dalhin sa tanggapan ng LTO at iparehistro para menus gastos.

Ika nga, isang bagsakan nalang.

Buwisit na buwisit as in asar ang karamihan sa mga car buyers sa LTO dahil sila ang itinuturong may kasa­lanan kaya may delay ang kanilang car plates para sa kanilang mga brand new cars.

Ang palusot ng ilang kumag na car dealer ay naka-rehistro na ang kanilang sasakyan at ang problema ay LTO dahil mabagal daw silang mag-release ng car plates o kaya wala pa silang plaka.

Naku ha!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mali ito, ang tama, maraming plaka ang LTO, ang pro­blema ay mga car dealers hindi kasi agad i-rehistro ang sasakyan na kanilang naibenta kung paisa isa lang.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang sistema, kapag bago ang sasakyan, dadalhin ng dealer ang dokumento sa LTO regional office nito pagka­tapos ay sa main office na mabilis naman aksiyonan para mairehistro kaya alaws problema.

Ang tumatagal lamang na mabigyan ng car plates ay iyong mga car owner na gusto ng special car plates para sa kanilang sasakyan.

Basta ang alam ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa Marikina LTO ay mabilis pa sa kidlat silang nagre-release ng mga car plates matagal na ang isang araw pero kung ang liason ng Honda Global City ang hihintayin para sa plate number ng mga bagong sasakyan.

‘Sasakit ang ulo mo sa kahihintay.

Abangan.

Congress ang may power

WALA palang power ang COMELEC na mag-decide para buwagin ang Sangguniang Kabataan at barangay elections sa Philippines my Philippines.

Ang Congress pala ang kukumpas kung bubuwagin ito.

Sabi nga, pagpasa ng panibagong butas este mali batas pala.

Tuloy as in tulog ang gagawing local elections sa Oktubre 25, hangga’t walang batas na nagkakansela para sa usaping ito.

Abangan.

Show comments