^

PSN Opinyon

Edwin Pichay

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

NAGPADALA ng mensahe thru cell phone si Edwin Pichay sa pamilya ng bebot na muntik niyang gahasain sa isang beach resort sa Sta. Cruz, Zambales noon nakaraan Sabado ng gabi (June 5).

Ito ang pinadalang text message ni Pichay na may numerong 0920-9473117 dakong alas 8:30 pm last Monday sa erpat ng bebot na gusto niyang gahasain, ‘ALAM KO MAY PUSO KA DN PARA UMUNAWA, I COME TO PEACE, BAKA PUEDE NA TAYONG MAG-USAP, ALANG- ALANG SA MGA BATA, PLS. CONSIDER. WAIT KO TXT MO’

Ang pagkakaintindi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa mensahe ni Pichay ay humihingi ito ng truce sa pamilya ng bebot na gusto niyang agrabiaduhin.

Hindi yata alam ni Pichay ang traumang inabot ng bebot na gusto niyang gahasain at ang nararamdaman ng pamilya nito.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, buti pumalag ang bebot na muntik mong gahasain kung hindi baka naluray ang pobreng alindahaw.

Pichay pasalamat ka kay Lord at inatras ng bebot na gusto mong gahasain sa pulisya ang reklamo laban sa iyo kung hindi tiyak kalabog este mali kalaboso ka pala.

Sabi nga, himas rehas ka Pichay!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, halos 80 madlang people ang nagsama-sama para sa team building ng mga basketbolista at families nila para mag-bonding sa resort.

Ang masama hindi nila alam na may maniac pala silang kasama.

Sabi nga, si Pichay!

Sa pag-amin ni Pichay sa pamilya ng bebot na gusto niyang gahasain sangkatutak na magulang na kasama ng anak mo ang nakakaalam ng ginawa mo sa pobreng alindahaw.

Ika nga, nakilala nila ang karakas mo.

Kaya naman lumalayo na sila sa iyo.

Sabi nga, pinandidirihan ka ng ibang magulang na dati mong nakilala at naging kaibigan.

May mga parents and coaches ang nag-witness pa sa presinto ng aminin mo sa harapan nila at ng pulisya ang ginawa mong kagaguhan sa bebot na muntik mong gahasain.

Mukhang nakalimutan mo yata?

Sabi nga, may police blotter.

Alam mo naman kapag may nangyaring masama sa bebot na gustong mong gahasain at pamilya nito ikaw ang unang mananagot sa mga police.

Tapos!

North Harbor deal anomaly

‘FIGHT, fight, corruption,’ ito avocado este mali adbokasiya pala ni P. Noy ang labanan ang lahat ng klase ng kurapsyon sa Philippines my Philippines.

Sabi nga. ‘kung walang corrupt, walang mahirap.’

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang P14 billion Manila North Harbor privatization project ay anomalous contract daw na pinasok ng Arroyo government.

Ika nga, disadvantageous sa government of the Republic of the Philippines my Philippines.

Sabi nga, kawawa ang madlang people.

Naku ha.

Totoo kaya ito?

May problema daw dito dahil going up tiyak ang presyo ng mga bilihin dahil daw sa gagawin pagtaas ng singil ng mga shipping sa kanilang cargoes at siempre passengers.

Maging ang Philippine Liner Shipping Association Inc., samahan ng domestic ship liners ay kinandado este mali kinondena pala ang contract tinuligsa din ang kontrata.

Abangan.

AYON

BEBOT

EDWIN PICHAY

GAHASAIN

IKA

MANILA NORTH HARBOR

PICHAY

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with