^

PSN Opinyon

Station commanders sa MPD na miyembro ng INC, sisibakin

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

NAIS iparating ng mga apektadong barangay chairmen kay Manila Mayor Alfredo Lim ang panggigiba ng kani-kanilang barangay hall dahil ibang kandidato ang sinuportahan nila. Si Lim ay nasa abroad nang pinaggigiba ng mga bataan niya ang mga barangay hall ng mga chairmen na sumuporta sa kalaban niya na sina Lito Atienza at Avelino “Kuya Sonny” Razon. Sa ngayon, nasa bansa na si Lim at lumutang na sa City Hall para ituloy ang panunungkulan niya bilang mayor ng Manila. Pero hindi dapat iwasan ni Lim ang problema dahil maraming residente, lalo na ang mga supporters nina Atienza at Razon ang nagngingitngit na sa kanya. Hindi makakatulong ang paggiba ni Lim sa mga barangay hall sa panawagan ni President-elect Noynoy Aquino na magkaisa na tayong lahat at magtulong-tulong para isulong ang pagbabago at ekonomiya ng bansa.

Kung sabagay, me katwiran din ang mga bataan ni Lim na gibain ang mga barangay hall dahil sa bangketa sila nakatayo. Subalit ang tanong ng mga apektadong barangay chairmen, bakit ang kanila lang ang giniba? Marami kasing mga barangay hall sa Maynila ang naiwan pang nakatayo sa mga bangketa subalit hindi sila giniba ng mga bataan ni Lim dahil sumuporta sila sa kandidatura niya. Ang tanong, nasaan na ang slogan ni Lim na “The Law Applies to all, otherwise none at all”? Maliwanag kasi na maging si Lim ay hindi rin pinapraktis ang slogan niya. Sa ngayon kapag bata ka ni Lim, eh pababayaan ka na lang kahit lumabag ka sa batas, ganu’n ba ‘yon? Kaya baka magawan pa ni Lim ng paraan na ipatupad ang slogan n’ya na “The law applies to all, otherwise none at all,” kapag nakarating sa kaalaman niya ang panggiba ng mga bataan niya ng mga barangay hall ng kalaban n’ya sa pulitika. Kasi, noong panahon ng kampanya, sinasabi ni Lim sa mga botante na kapag hindi siya ang maiboto, puwede na si Razon ‘wag lang si “Bulaklak.” Pero nang maggibaan, nadamay ang mga chairmen na sumuporta kay Razon.

Matapos parusahan ang barangay chairmen, lumakas ang ugong sa Manila Police District (MPD) na ang susunod na titigpasin ni Mayor Lim ay mga station comman-ders na kaalyado ng Iglesia ni Cristo. Noong nakaraang May elections kasi mga suki, ang ibinandera ng INC sa Maynila ay si Atienza. Kaya ang mga station commanders na miyembro ng INC o backer nila ay taga-INC, aba titigpasin ang mga leeg nila. Marami rin kasing station commanders at matataas na opisyales sa MPD ang nasa puwesto dahil sa backing ng INC at sa ngayon bilang na ang mga araw nila. Goodbye na lang sa kanila. Abangan!

ATIENZA

BARANGAY

CITY HALL

HALL

KAYA

KUYA SONNY

LAW APPLIES

LIM

RAZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with