^

PSN Opinyon

Si Baham Mitra, bow!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

MALAKI ang problema daw ni Rep. Abraham Mitra kasi nga tumakbo ito bilang governor sa province of Palawan pero mukhang hindi siya sinang-ayunan ng COMELEC.

Bakit?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nag- decide daw ang Supreme Court na ibinasura ang candidacy ni Baham o ang Certificate of Candidacy nito dahil sa ka­biguang patunayan na tunay nga siyang residente ng Abor­lan, Palawan gaya ng nakatala sa kanyang CoC.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, noon pang 2008 ay nakatira na si Baham umano sa Aborlan, pero sa kanyang sedula noong 2009 ay may address na Sta. Monica, Puerto Princesa.

Maging ang 2009 statement of assets and liabilities and networth na isinumite ni Baham sa Congress noong Abril ay nakadeklarang tirahan niya ang nasabing address sa Puerto Princesa.

Kapag tuluyang ibinasura ng SC ang petisyon ni Mitra, magdidiwang ang mga taga-Palawan dahil si Jose C. Alvarez na nakalaban niya ang tiyak na real winner ito.

Si Alvarez na kilalang pilantropo at tumutulong na sa mahi­hirap kahit noon pa mang hindi pa pumapasok sa pulitika ang pinakagustong maging gobernador ng Palawenyo.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

May ibig lang maintindihan ang mga taga-Palawan kung bakit sa kabila ng pagbasura ng Comelec sa kandidatura ni Mitra noong Mayo 4, 2010 ay nakatakbo pa rin ito.

Ang matindi, naiproklama si Baham bilang nanalong gobernador.

Kung paano o bakit iyan ang alamin ninyo mga tekamots?

Sabi nga, paano mananalo kung hindi naman siya candidate?

Naku ha!

Problem nga ito. Hehehe!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kinansela daw ng Comelec ang kandidatura ni Mitra matapos madiskubre na hindi niya nakamit ang residency requirements.

Ano ba ito?

Ika nga, ang gulo!

Ang sinasabing tirahan niyang feed mill sa Aborlan ay imbento lang daw dahil ni wala itong toilet at kitchen area?

Alam mo naman ang ibang province talagang ganito ang situation.

Dapat sundin ang batas kung may nilabag na butas este mali law pala.

Abangan.

Smuggling tumitindi

HINDI biro ang puslitan blues dyan sa pambansang daungan ng Philippines my Philippines kasi nga may kasabwat ang sindikato na mga bugok na official ng Bureau of Customs kaya kahit na anong gusto nilang ilabas ay nakakalabas.

Sabi nga, if the price is right!

Tulad ng mga smuggled cell phones utak ang mga kamoteng sina Orance, Meynard, Irwin, Tan, Iven, Chen at Sienna ang mga ito ang nagpapahirap sa Philippines my Philippines kaya walang makolekta na maayos na buwis ang gobierno.

Siguro dapat paimbestigahan ang mga lintek na ito sa Bureau of Internal Revenue samantala ang mga corrupt sa Customs ay ang Office of the Ombudsman dapat ang kumalkal.

Samantala itong sina Bacolod, Evangeline at ang mag-utol na Arsenio ang nagpupuslit naman ng mga uka -ukay, plastic resins, tiles at computer parts.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang a.k.a Marius kamote, ang sinasabing bugok na Customs official nakapatong sa mga ito at siya ang kausap pagdating sa halaga ng mga tarahan para sa Customs.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sangkaterba daw ang kaso ni Marius sa Ombudsman pero hindi umuusad dahil malakas daw magbigay ng ganansiya ang huli para hindi siya mabusisi ng todo todits.

Ang mga ganitong kamote ang dapat imbestigahan ni President apparent Noynoy Aquino para malaman niya kung paano nalugi ang gobierno at yumaman ang mga gago sa customs.

Abangan.

ABANGAN

ABORLAN

ABRAHAM MITRA

BAHAM

NAKU

PALAWAN

PUERTO PRINCESA

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with