^

PSN Opinyon

Bakit Army chief Lt. Gen. Mapagu?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

MATAPOS magresponde sa pagsunog ng Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines sa Sitio Apalis, Bgy. Bunot, Paracelis sa Mt. Province, nakakumpiska ng anim na de-kalibreng armas ang mga sundalo.

Maganda na sanang accomplishment ito subalit nitong nagdaang araw ay naging sentro ng kuro-kuro para sa imahe ng Army. Nagtatanong ang taga-Paracelis kung bakit kapit-tuko ang Army sa kaso. Imbes kasi na I-turnover sa pulisya ang pagsampa ng kaso, ang ginawa ng Army sila na mismo ang nag-file na ikinataas ng kilay ng kampo ni Jupiter Dominguez, ang natatalong congressional bet sa Mt. Province nga. Magkano….este ano kaya ang dahilan? At ang masakit pa, nagsampa ng kaso ang Army laban sa drivers lamang ng tatlong sasakyan kung saan nakumpiska ang mga armas at hindi na nila isinama ang mga sakay nito. At pati ang tatlong sasakyan ay hindi rin ginamit na ebidensiya sa kaso. Ano ba ‘yan? Ang masama pa, ayon sa kapatid ni Dominguez na si Dr. Jacqueline Dominguez, isinampa ang kaso laban sa mga drivers halos siyam na araw matapos ang insidente. “They (Army) filed charges which are meant to be dismissed,” ang puna ni Dr. Dominguez.

Ang Army troopers mga suki ay nagresponde sa Sitio Apalis dahil sa report na sinusunog ng ilang kalalakihan ang PCOS machine sa isang eskuwelahan doon. Subalit minabuti ni 2nd Lt. Alvin Dagondon, ng 54th IB,5th ID na magsagawa ng checkpoint operations para malambat ang mga suspects nga. Subalit sa kasamaang palad ang tatlong sasakyan ang napahinto ng tropa ni Dagondon at nakumpiska nila ang dalawang Armalite rifle, isang KG-9 sub-machinegun, isang shotgun at dalawang pistola. Sa kanyang naunang salaysay, sinabi ni PFC Daniel Zipagan na sa pagtanong-tanong niya, isa sa mga sakay ng tatlong sasakyan ay si Clarence na anak ni incumbent Mt. Province Gov. Maximo Dalog, na kalaban ni Dominguez. Pero me saksi ang kampo ni Dominguez na hindi lang si Clarence ang sakay ng tatlong sasakyan dahil kasama pa nito ang dalawang kapatid. Ang tanong lang ng kampo ni Dominguez, bakit hindi isinama sa kaso ang tatlong anak ni Dalog? Magkano….este bakit nga ba Army chief Lt. Gen. Mapagu? Pitsa-pitsa lang mga suki?

Lalong lumakas ang suspetsa ng kampo ni Dominguez na pinapaboran ng Army ang kampo ni Dalog dahil ang idineklara sa mga papeles ng kaso na ang isa sa na-checkpoint na sasakyan ay ang Toyota Hi-Lux na may plakang CBB 164. Subalit ayon sa certification ng LTO, si Dalog ay may Toyota Hi-Lux subalit ang plaka nito ay ZBB 164. Malinaw na pinipilit ng Army na iligaw ang kaso ke Dalog, di ba mga suki? Ayon naman sa Firearms and Explosive Division (FED) sa Camp Crame, ang nakum-piskang Armalite rifle na me serial number 621978 ay lisensiyado sa pangalan ni Dalog. Ang tanong sa ngayon ng kampo ni Dominguez, ano ang dapat pananagutan ni Dalog sa kaso dahil maliwanag pa sa sikat ng araw na pag-aari niya ang isang sasakyan at Armalite na nakumpiska ng Army nga? Maraming katanungan dito sa kasong kinasangkutan ng kampo ni Dalog na dapat lang alamin ni Mapagu.

 Abangan!

ARMALITE

ARMY

DALOG

DOMINGUEZ

KASO

MT. PROVINCE

SITIO APALIS

SUBALIT

TOYOTA HI-LUX

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with