^

PSN Opinyon

'Ano po bang exercise bagay sa aming retirado?'

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

Dr. Elicaño, kami ng mister ko ay kapwa retired teacher at namumuhay nang maayos at mapayapa. Mga propesyunal na ang aming tatlong anak. Malusog kaming mag-asawa at walang nararamdamang kakaiba sa katawan. Tanong ko lang po kung ano ang magandang eherisyo sa katulad naming mga retirado na para naman manatili lalo ang aming lakas at sigla. Salamat po. - —MRS. DELIA GONZALES, Calamba, Laguna

Pinakamahusay na eherisyo para sa mga retiradong katulad n’yo at maski sa hindi retirado, ay ang paglalalakad o brisk walking. Ang 30 minutong paglalakad nang mabilis ay malaki ang naidudulot na benipisyo sa katawan.

Alam n’yo bang ang paglalakad ay nakatutulong para bumaba ang blood pressure at itinataas ang level ng HDL o ang good cholesterol. Mas mainam maglakad sa isang parke na maraming tanim na punongkahoy para hindi direktang lantad sa araw. Kung sa inyong lugar ay may parke, diyan kayo maglakad.

Ang paglalakad ang isang uri ng ehersisyo na hindi na kailangang gumastos nang malaki. Ang kailangan lamang ay malambot na sapatos.

Huwag magsuot ng makapal na damit o shirt kapag naglalakad. Magbaon ng tubig kapag maglalakad. Ugaliing uminom para hindi ma-dehydrate lalo ngayong matindi ang init.

Tatlumpong minutong paglalakad lang ang kailangan para maging malakas at masigla ang katawan.

ALAM

CALAMBA

DR. ELICA

HUWAG

MAGBAON

MALUSOG

PARA

PINAKAMAHUSAY

TANONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with