^

PSN Opinyon

'Kalawit' (Subic Hulidap Story 2)

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

BUKOD sa isang milyong pisong ransom na hinihingi ng mga pulis ng Station 3 ng Olongapo kapalit ng kalayaan ng biktimang Fil-American, dagdag na singkuwenta mil pa ang kinukubra ng mga ito.

Ang singkuwenta mil raw ay para mabawi ng biktimang si Tintin ang kaniyang sasakyang itinakas ng mga nang-Hulidap na pulis.

Habang ang isang milyong piso para sa Fil-Am, bumaba na sa tatlong daang libong piso.

Kaya naman ikinasa na ng National Bureau of Investigation-National Capital Region kasama ang BITAG ang isang entrapment operation laban sa mga pulis Olongapo.

Isa sa suspek na nakilala ng mga biktima ay si SPO1 Jules Maniago na patuloy ang pakikipag-komunikasyon kila Jovan at Tintin.

A-6 ng Mayo, araw ng itinakdang operasyon laban sa mga pulis Hulidap ng Olongapo, may balitang ikinadismaya ng grupo.

Dahil ang Fil-Am na biktimang ikinulong ng mga pulis sa Station 3, pinalaya na. Ayon sa kapatid ng Fil-Am, ang mga kaibigan raw nitong dayuhan ang nagbayad ng three hundred thousand pesos para makalaya ang Fil-Am.

Bagamat nakalaya na ang Fil-Am, tuloy pa rin ang panghihingi ni Spo1 Maniago ng fifty thousand pesos kay Tintin. Sa SM Clark sa Pampanga niya raw hihintayin ang biktima.

Mahigit sa dalawampung ahente ng NBI ang inihanda para sa operasyong gagawin.

Dahil sa mga pulis din ang suspek, may posibilidad na manlaban ang mga ito.

Iginayak din ang marked money na iaabot ng biktima kay SPO1 Maniago. Dito, hindi dusted katulad ng pang karaniwang marked money ang ginamit.

Ibang paraan ng pagmamarka sa pera ang ginawa ng NBI dahil kabisado ng mga pulis kung markado ang pera, delikado para sa biktima kapag natuklasan ng suspek na pag-aabutan niya ng pera.

Lulan ng anim na sasakyan, tumulak ang mga operatiba ng NBI at BITAG. Subalit hindi pa man kami umaabot sa napag-usapang lugar, may balita na namang natanggap ang buong grupo…

Abangan ang ikatlong bahagi…

DAHIL

FIL-AM

HULIDAP

JULES MANIAGO

MANIAGO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION-NATIONAL CAPITAL REGION

OLONGAPO

PULIS

TINTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with