^

PSN Opinyon

CPP/NPA bantayan

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

ITONG mga tsismis tungkol sa military junta, failure of elections, at August Moon, Full Moon at iba pa ay kagagawan daw ng mga komunista para mag-away ang mga pulitiko at militar para isulong ang kanilang bersiyon ng people power. Kaya’t halos ang mga kontak ng CPP/NPA ay ginagatungan ang mga tsismis sa mga interview sa radyo, television at diyaryo. Ayon sa mga kausap ko sa Manila Police District (MPD), ang tsismis sa junta, failure of elections, August Moon, Full Moon at iba pa ay calculated, deliberate at persistent na magiging katotohanan kapag palaging nababanggit sa radyo, TV at diyaryo. ‘Ika nga ng bataan ni Hitler noong WW II, ang kasinungalingan kapag palaging inuulit-ulit ay nagiging katotohanan. Kaya kung hindi namamatay ang tsismis na military junta, failure of elections, August Moon, Full Moon at iba pa, ang tropa ni CPP founder Joe Ma. Sison ang tingnan at hindi ang mga kampo ng pulitiko. Sa ngayon, ang CPP/NPA lang ang maari kong sabihing interest group para isulong ang kanilang adhikaing people power. Naiwan kasi sa kangkungan ang CPP/NPA noong EDSA people power noong 1986 kaya ayaw nilang maulit. Maaaring sina Sison at underling niya na si Benito Tiamzon ay hindi magkasundo kung anong landas ang susundin para mag­tagumpay ang kanilang pakay na pabagsakin ang gobyerno ni GMA. Kasi nga, si Sison ay nagpalabas ng kautusan na itigil na ang tactical offensive ng NPA noong Marso 31 pa at bumaba na lang ang mga armado nilang tauhan para mangampanya. Subalit si Tiamzon ay hindi sumunod at nagsagawa pa ng sunud-sunod na atake sa pulisya at military, gaya ng ambush sa Rizal noong nakaraang linggo kung saan apat na SAF members ang napatay.

Sa tingin naman ng mga kausap ko, hindi hihinto ang CPP/NPA sa kanilang psy-ops operation para guluhin ang mga kampo ng kandidato, maging ang mga klase ng Philippine Military Academy (PMA). Di ba na noon pang nakaraang taon eh umusbong na itong August Moon kung saan ang isinasabong ay ang PMA Class ’78 laban sa mga senior nila tulad ng Class ’76 at ’77? Kapag nag-away ang mga klase sa PMA, siyempre, madali silang makumbinsi ng mga alipores ni Sison para susugan ang kanilang itinutulak ng people power. Kaya kung gumagana sa ngayon ang mga white paper, text brigades at iba pa, aba ang kampo ni Sison ang itinuturo ng mga kausap ko sa MPD na may pakana.

Kaya dapat bantayan ng intelligence community ang interest group, ang CPP/NPA, dahil sa sila lang ang puwedeng maghasik ng lagim kapag nagtagumpay sila sa adhikain nilang people power. Ang NPA lang kasi ang me armas na maaring gamitin ng mga pulitiko bilang pantapat sa militar at pulisya. Habang papalapit ang May elections, hindi dapat kumurap ang mga kababayan natin at baka magising na lang sila na itong alipores nina Sison at Tiamzon na ang nasa Malacañang.

AUGUST MOON

BENITO TIAMZON

FULL MOON

JOE MA

KAYA

MANILA POLICE DISTRICT

NPA

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY

SISON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with