^

PSN Opinyon

Pambobomba ng Sayyaf

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

TIYAK na lalagapak na naman ang ating ekonomiya matapos na maghasik ng magkakasunod na pambobomba ang Abu Sayyaf sa Basilan. Mukhang nagising na naman sa pagkakatulog ang Sayyaf matapos malagasan ng pinuno kaya naghahasik na naman ng lagim. Ito ang usap-usapan ng mga negosyanteng aking nakausap sa MPD. Ayon sa kanila kung patuloy ang patraidor na pambobomba ng mga terorista sa Mindanao tiyak na sasadsad naman ang ating ekonomiya dahil mag-aalsa balutan na naman ang mga foreign investor sa bansa. At dahil nga sa panahon ngayon ng kampanyahan tiyak na hindi agad ito mabibigyan ng sulusyon ng pamahalaan. Kaya kaawa-awa na naman tayong mga Pinoy sa darating na mga araw dahil sasamantalahin na naman ito ng mga tusong negosyante para itaas ang kanilang mga kalakal. Kung inyong mapapansin halos walang puknat na ang pagtatas ng presyo ng petrolyo kung kaya abot-langit na naman ang panawagan ng mga drayber na itaas ang pamasahe. At oras na tumaas ang pamasahe tiyak na magtataasan na rin ng bilihin.

Kaugnay nito, magkakahetot-hetot na naman ang ating ekonomiya matapos pasabugin ng mga di kilalalang salarin ang black Honda CRV ni Manila Regional Trial Court Judge Silvino Pampilo Jr. kahapon ng madaling-araw sa Taytay, Rizal. Kaya hindi mawala sa mga kababayan ang mag-alala sa kanilang kaligtasan. Iyan ang dapat na tutukan ng kapulisan sa Metro Manila dahil kung patuloy silang magiging malamya sa kanilang tungkulin tiyak na malulusutan nga sila ng mga terorista. Bagamat maraming angulo ang iniuugnay sa tangkang pagpatay kay Judge Pampilo dapat lamang na maging eye opener ito sa kapulisan upang mahadlangan ang lahat ng balakin ng mga nag-aambisyong pabagsakin ang pamahalaang Arroyo. Huwag sana puro imbestigasyon na lamang ang gagawin ng ating kapulisan. Dapat umanong itutok ng kapulisan ang pag-imbestiga sa mga tauhan ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) dahil si Judge Pampilo ang malaking batik sa kanilang operasyon. Ayon ‘yan sa usap-usapan sa bakuran ng MPD. Kasi nga lumalabas na illegal ang operasyon ng PASG kung kayat dapat nang i-abolish ito. Nais ng aking mga kausap na pag-ukulan ng kapulisan ang usapin sa pagkabkab ni Pampilo sa libro ng mga oil firm dahil sa ngayon na patuloy ang pagpapaimbulog ng presyo ng langis maaring marami ang nagagalit.

Abangan!

ABU SAYYAF

AYON

JUDGE PAMPILO

KAYA

MANILA REGIONAL TRIAL COURT JUDGE SILVINO PAMPILO JR.

METRO MANILA

NAMAN

PRESIDENTIAL ANTI-SMUGGLING GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with