^

PSN Opinyon

Bilugan ang pangalan ni Espeleta

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

NAIS ni Ermie “Lake” Espeleta na magtayo ng ospital sa Muntinlupa City kapag nanalo siya bilang represen­tante nito sa May elections.

Hindi lang ’yan, gusto rin ni Espeleta na pagkalooban ng scholarship grant ang mga estudyante, kabilang na rito ang dating pinag-aral ng mga nakaraang adminis­trasyon. Ibig sabihin ni Espeleta, wala siyang kinikilingan kung sino ang paaaralin niya, maging matalino ka man o regular lamang ang IQ.

Sa paglilibot niya sa siyudad, marami ang walang bahay kaya’t minabuti ni Espeleta na isama sa kanyang plataporma ang pagbibigay ng kabahayan sa sakop niyang distrito nga. Kaya kung dinudumog man si Espe­leta sa kanyang mga campaign sorties sa Muntinlupa, tiyak alam n’yo na ang kasagutan mga suki. Dun na tayo sa malapit lapitan at mas bata keysa sa mga gurang at ulyanin pa.

Hindi ko masabing baguhan sa pulitika si Espeleta dahil konsehal siya ng siyudad mula 2007. Sa mga konsehal ng siyudad, si Espeleta lamang ang mayroong Mobile Clinic, na nagbibigay ng libreng medical check-up, gamot, ECG at reading glasses para sa mga bata man o matatanda sa nasasakupan niya.

May ambu­lansya rin siya at libreng hatid-sundo ang mga estud­yante sa ilang eskuwelahan sa Muntinlupa. Ibig kong sabihin mga suki, kung konsehal pa siya eh public service na ang inatupag nitong si Espeleta eh di lalong pag-iibayuhin pa niya ang trabaho kapag nasa Kongreso na siya? Kaya’t sa mga botante diyan sa Mun­tin­lupa City, ang pangalan lang ni Espeleta ang bilugan n’yo sa inyong balota para sa Distrito ng Muntinlupa ha?

Kung sabagay, dahil nga bata pa siya, maraming ideya si Espeleta para tulungan ang mga residente ng nasa­sakupan n’ya. Hangad din kasi ni Espeleta na mabigyan ng trabaho ang taga-Muntinlupa. At hindi na maghahanap pa si Espeleta ng kuwalipikas­yon tulad ng college diploma o edad.

“Wala akong pipiliin, edad 21 pataas basta kwalipikado,” aniya. “Kung ang isang manunungkulan ay may galing o talino, at karanasan, Salamat. Ngunit higit sa lahat, dapat siya ay mayroong puso at konsen­siya,” ani Espeleta, na ang tinutukoy ay ang sarili niya.

Nangako si Espeleta na hindi siya gagawa ng mga hakbangin na sa pagkaalam niya ay makakasakit lamang sa kapwa. Tinitiyak niya na mahal niya ang taga-Muntin­lupa City dahil tagaroon siya.

“Kung mahal nila ang taga Muntinlupa, higit na mahahalin ko kayo dahil tagarito ako at ano man ang aking maaabot, mananatiling naka­tun­tong ang aking mga puso sa lupa,” dagdag pa niya na lumalaki ang tsansa na maungusan ang mga katunggali niya habang papalapit ang May elections.

ESPELETA

IBIG

KAYA

MOBILE CLINIC

MUNTINLUPA

MUNTINLUPA CITY

NIYA

SHY

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with