^

PSN Opinyon

Pangangampanya ng mga politiko

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

KASO ito ng kandidatong si AG na tumakbong mayor noong nagdaang 2004 eleksyon. Siya at ang kanyang pamilya ay nagmamay-ari ng stocks sa kompanya na namamahala ng isang lokal na diyaryo.   Mula Abril 26 hanggang Mayo 2, 2004 o sa loob ng isang linggo, pitong magkakasunod na beses ni­labas ng diyaryo ang pahayag na “It’s no contest”. Kinakam­panya ng diyaryo ang kandidatura ni AG. Ayon sa salaysay na ginawa ng manedyer ng diyaryo, isang organisasyon na tina­tawag na “Friends of AG” ang nagpalabas at nagbayad sa nilathala sa diyaryo.

Nagreklamo si TO, ang kalabang kandidato ni AG. Kinasuhan si AG sa paglabag ng Fair Elections Act. Matapos ang paunang imbestigasyon ng Comelec, napag-alaman na may probable cause ang reklamo. Ipinag-utos ang pagsa­sampa ng kaukulang impormasyon laban kay AG para sa pag­labag ng batas (Sec. 6 – RA 9006 & Sec. 13 – Comelec Resolution No. 6520 in rel. Section 264 Omnibus Election Code) na pinarurusahan ang taong mapapatunayan na gumawa ng paglabag ng batas na may kinalaman sa eleksyon ng hindi bababa sa isang taon at hindi hihigit sa anim na taong pagkaka­kulong, diskwalipikasyon sa paghawak ng posisyon sa gobyerno at babawian din ng karapatan na bumoto.

Kinuwestiyon ni AG ang naging desisyon ng Comelec. Ayon sa kanya, hindi naman siya ang pasimuno ng paglalathala sa diyaryo. Wala siyang kinalaman sa nilabas ng diyaryo at patunay nga rito ang salaysay ng manedyer ng diyaryo na isang organisasyon na nagpakilalang mga kaibigan ni AG ang nagbayad at siyang pasimuno ng paglalathala. Wala naman daw malinaw na ebidensiya ang Comelec na nilabag niya ang Fair Elections Act. Inabuso daw ng Comelec ang kapang­yarihan nito nang ideklara na may sapat na basehan para sabihin na nilabag niya ang batas at nang ipag-utos nito ang pagsasampa sa kanya ng kaukulang kaso. Tama ba si AG?

MALI. Hindi porke sinabing may sapat na basehan upang kasuhan siya sa batas ay sigurado na talaga o positibo na nagkasala ang isang tao. Hindi naman kasama sa imbesti­gasyon kung sapat na o kulang pa ang ebidensiyang hawak upang mapakulong ang taong kinakasuhan. Kung sa tingin ng prosekusyon ay sapat na ang hawak niyang ebidensiya upang paniwalaan ng isang ordinaryong tao na ang kanya ngang paglabag sa batas, may sapat ng basehan upang sampahan siya ng kaukulang kaso.

Sa kasong ito, malinaw ang naging pahayag ni AG, ang paglalathala ng patalastas sa diyaryo ay binayaran ng isang organisasyon na nagpakilala bilang mga kaibigan ni AG. Maituturing na isang donasyon ang ginawa kay AG alinsunod sa batas (Sec. 4 – RA 9006). Nakalagay sa batas na bago malathala ang nasabing pahayag ay dapat may katibayan ng written acceptance ng kandidato at isasama ito sa kontrata ng pahayag (advertising contract) na isusumite sa Comelec. Sa kasong ito, ipinagpapalagay na may kasamang nakasulat na pagtanggap ni AG ang nasabing paglalathala at kung sakali man na wala ito, ipinagpapalagay na may kinalaman pa rin siya sa inirereklamong kaso.

Ang patakaran tungkol sa pagkakaroon ng written acceptance ng mga kandidato ay paraan ng batas upang maiwasan ang paglalathala at pamimigay ng propaganda ng mga kandi­dato na sobra sa dami, laki at iba pang limitasyong idinidikta ng batas na walang malinaw na pagpayag ng kandidatong sangkot dahil itong paglabag na ito ay hahantong sa prosekusyon ng kandidato para sa tinatawag na “election offense­” alinsunod sa Section 264 ng Omnibus Election Code.

Dapat lamang na hayaan ang paglilitis ng impormasyong nakahain sa korte (Garcia vs. Comelec and Osmeña, G.R. 170256, January 25, 2010.

AYON

BATAS

COMELEC

COMELEC AND OSME

COMELEC RESOLUTION NO

DIYARYO

FAIR ELECTIONS ACT

ISANG

OMNIBUS ELECTION CODE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with