^

PSN Opinyon

Kahirapan at kurakutan

- Roy Señeres -

NAPAKASARAP pakinggan ang sinabi ni Sen. Manny Villar na ang layunin niya raw ay tapusin ang kahirapan kung siya ang magiging presidente. Ang sabi naman ni Sen. Noynoy Aquino at ng kanyang mga kasamahan sa Liberal Party, kung wala raw kurakutan, ay wala nang kahirapan.

Dalawang datihang partido na bumabalik, dalawang magkaibang pananaw sa kahirapan. Si Villar ay walang sinasabi sa kurakutan, samantalang si Noynoy naman ay direktang tinutumbok na ang kurakutan ay ang sanhi ng kahirapan, kaya sa pamamagitan ng pahiwatig, sinasabi niya na kung matatapos o mawawala ang kurakutan, ay mawawala na rin ang kahirapan.

Political season ngayon kaya libre na naman ang mga pulitiko na mangako sa taumbayan. Wish ko lang sana, makayanan naman sana nilang gawin ang kanilang mga pangako, kung sila nga ang mananalo sa halalan.

Sa usapang ito, kaya nga bang tapusin ang kahirapan at ang kurakutan sa ating bansa? Sa puntong ito, may kahulugan ang sinasabi ni Noynoy, dahil nakita natin ang ginawa ni Mrs. Gloria Arroyo na pagpatindi ng kurakutan, kaya tumindi na rin ang kahirapan.

Kapwa bumabalik ang Liberal Party at ang Nationalista Party, kaya malinaw sa lahat na dati na silang nasa poder pareho. Batay sa kanilang track record sa mga nakalipas na panahon kung saan sila ang humawak ng poder, wala ni isa sa kanila ang nakatapos ng kahirapan at ng kurakutan. Ganoon pa man, maganda pa rin ang kanilang layunin sa kanilang pagbabalik, dahil parang gusto nilang subukan ngang gagawin ito.

 

Batay sa karanasan ng ibang mga bansa, kasama na ang mga advanced economies at mga developed countries, hindi pa nila natapos ang ka¬hirapan at ang kurakutan, kasama na diyan ang America. Sa totoo lang, nagawa nilang bawasan ang kahirapan at ang kurakutan, ngunit hanggang sa ngayon, hindi pa nila natapos.

 

Kung sakaling mananalo si Manny o si Noynoy, isang malaking challenge sa kanila na tuparin ang kanilang mga pangako, dahil ginusto nilang ipangakong gawin ang hindi pa nagawa ng ibang mga partido sa ibang mga bansa na mas matibay kaysa kanila.

Kung matutupad nila ang kanilang pangako, ang taumbayan ang lalabas na panalo.

 

BATAY

KAHIRAPAN

KUNG

KURAKUTAN

LIBERAL PARTY

MANNY VILLAR

MRS. GLORIA ARROYO

NATIONALISTA PARTY

NOYNOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with