^

PSN Opinyon

'Si Joy ang ilaw ng Q.C'

- Tony Calvento -

Nagkaroon kami ng pagkakataon na makapanayam si Maria Josefina ‘Joy’ Belmonte anak ni Mayor Sonny Belmonte sa isang ‘one-on-one interview’ sa aming programa sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” para malaman kung bakit ang batang ginang na ito ay gustong pumasok sa larangan ng pulitika.

Sa isang salita ang mabilis niyang dumadagundong na sagot ay ‘PUBLIC SERVICE’.

Si Joy ay ‘unica hija’ at bunso sa apat na anak ni Mayor Sonny.

Siya ay tapos ng kursong Social Sciences (Anthropology, Sociology at Political Science) sa Ateneo de Manila University.

Kinuha ni Joy ang kanyang Master’s Degree na Museum Man­age­ment sa Museum Studies Leicester University of England.

Ngayon siya ay ganap ng License Archeologist. Dati siyang nagtuturo sa UP Diliman ng Archeology in Colonial Period.

Ang lahat ng kaalaman at karanasan niya sa pag-aaral ng iba’t ibang kultura ay gusto niyang i-‘apply’ sa lungsod ng Quezon.

Tinanong namin siya kung paano niya buburahin ang pagtingin ng karamihan na ang Vice Mayor ay ‘spare tire’ lamang, na kadalasang walang ginagawa.

Diretso niyang sinagot na, “Hindi mangyayari yun. Nag-usap kami ni Herbert ‘Bistek’ Bautista, siya at ang partido namin sa Liberal Party ay napagkasunduan na kami’y magtutulungan sa pagpapatakbo ng QC. Malapit sa akin puso ang tinatawag na ‘Social Development Program’.”

Ang tinutukoy ni Joy ay ang mga programang pangka­lusugan, pangkabuhayan at pang-edukasyon at iba pang mga programa na makakatulong sa tinatawag na ‘vulnerable sectors’ ng lungsod. Mga taong pinakitid ang buhay dahil sa kahirapan at sa kakulangan ng pera.

Ayon kay Joy isusulong nila ni Herbert ang kultura at turismo sa kanilang lungsod.

Ipinaliwanag ni Joy ang mga programa sa pangkalusugan. Nakapagpatayo ang kanyang ama ng isang moderno at magandang ospital para sa ating mga mamamayan, ang Quezon City Medical Center.

Tungkol sa ‘feeding program’ naman nais niyang ipatupad ang pamamahagi ng libreng gamot at bakuna sa mga centers. Mga ‘day care centers’ para sa mga magulang na nag­tatrabaho kung saan maaring mamalagi ang kanilang mga anak at matingnan ito. Libreng ‘prenatal check-ups’ at marami pang iba.

Sa kasalukuyan meron siyang ‘foundation’ para sa mga kabataan at mga ina, ang Ilaw ng Bayan Foundation. Mga ‘training programs’ para sa mga out of school youth o kaba­taang hindi nag-aaral. ‘Livelihood programs’ para sa mga ginang upang magkaroon sila ng pagkakakitaan. Sa ganong paraan sila ay maging kapakipakinabang hindi lamang sa kanilang pamilya kung hindi sa lipunan at ng maitaas ang antas ang respeto sa sarili (self respect).

Sa edukasyon naman, karagdagan pagsasanay sa ating mga guro para maituro nila ito sa kanilang mga estudyante.

Ang isang guro ay hindi dapat humihinto sa pag-aaral ng bagong pamamaraan sa pagtuturo lalung-lalo na ngayon na mabilis ang pasok ng teknolohiya. Kailangan makasabay tayo sa mga pagbabago.

“Ang layon ko para sa QC, hindi lang manguna sa buong bansa kundi kilalanin ang ‘standard’ ng ating edukasyon sa buong mundo,” mariing sinabi ni Joy.

Ang mga pangarap ni Joy sa QC ay hindi mangyayari sa isang iglap o magdamagan lamang. Ang kailangan dito ay patuloy na pagtitiyaga at pagsisikap upang makamtan ito. Hindi din kaya ni Joy na mag-isang gawin itong gahiganteng mga programa para sa QC. Ka­ilangan niya ang tulong mo... ang tulong n’yo... ang tulong natin lahat upang maipatupad ng batang ginang na ito na anak ng butihing Mayor ng Quezon City na si Sonny Belmonte at Betty Go-Belmonte na isang haligi at institusyon sa larangan ng pamamahayag.

Habang ang ibang babae na galing sa kilala at establisya­dong pamilya ay abala sa mga sa ibang bagay na pansarili lamang. Pinili ni Joy na tahakin ang mahirap na landas ng pagtulong sa kapwa sa pani­niwala na hindi mapapan­tayan ng salapi ang kakaibang paki­ramdam na ikaw ay naglingkod ng buong katapatan. 

“Hindi ako makakapayag na maghihintay lang ako ng trabahong ibibigay sa akin. Layon kong mas mapaunlad ang Lungsod Quezon sa aking sariling paraan. Nais kong paglingkuran ang aking mga kababayan ng tapat at walang halong kasakiman,” mga huling pananalita ni Joy.

PARA sa mga taong gustong tumulong at makiisa sa pag­sulong ng mga adhikain ni Joy maari kayong tumawag sa ka­nilang tanggapan ang Ilaw ng Bayan Foundation, sa numerong 4117631. Matatagpuan ang kanilang opisina sa # 87 Scout. Funte Bella St., Quezon City.

(KINALAP NI DEN VIAÑA)

 Sa mga gustong dumulog sa aming tanggapan ang aming mga numero, 09213263166 o sa 09198972854 at ang landline ay 6387285. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City. Bukas ang aming tanggapan tuwing Sabado 8:30 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali. Pwede din kayong tumawag sa aming 24/7 hotline sa 7104038.

Email address: [email protected]

BAYAN FOUNDATION

BETTY GO-BELMONTE

JOY

LSQUO

PARA

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with