^

PSN Opinyon

PNP vs. AFP sa intriga

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

SINABI ng mga asset ng mga kuwago ng mga political analyst, ‘AN UNPOPULAR GOVERNMENT HAS NO CREDIBILITY.’

The last time around, ng i-upo sa bagong trono ni Prez Gloria Macapagal Arroyo si Emperor pangit este mali Bangit pala bilang Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines my Philippines at sinundan pa ng pag-upo sa kanyang bagong kaharian ang magiting na pinuno ng Philippines Army na si General Mapagu na ‘MISTAH’ ni Gloria.

 Matapos ang mga scenario este mali story pala ay sandamakmak na intriga, speculation at scenarios na naman ang umusbong.

 Sabi nga, parang bulkan!

 Nag-umpisa ang intrigahan blues ng lumabas sa balita na dehins susunod si CPNP Jess Verzosa sa anumang illegal orders at hindi rin susuporta kay Bangit kung magkakaroon ng term extension si GMA sa pagka-panggulo este mali pangulo pala sa Republic of the Philippines my Philippines.

Sa madaling salita, alaws na tamang ginawa ang gobierno sibil ni GMAIN OTHER WORDS, kahit magsalita o hindi, negatibo pa rin ang lumalabas sa mga news.

 Ang problema naman ni Bangit ay atribido sa media.

 Sabi nga, hindi marunong magsalita o humarap sa mga reporters.

 Dahil todits ang PIO niya ang inginunguso.

 Ika nga, ng langit, Bangit huwag kang pikon.

 Sabi nga, you take crash course on how to deal with media.

Nagsalita si Verzosa at naki-usap sa media na...please spare us from politics and do not drive a wedge between the AFP and the PNP.

 The other day, nagkaroon ng joint - PNP/AFP/COMELEC conference sa Crame para pag-usapan ang paghahanda sa 2010 elections.

 Ang masama inisnab ni Bangit ang pagpupulong. Bakit?

 ‘Baka ayaw talaga niyang sumali sa Honest, Orderly and Peaceful election?’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

 Sumuporta ang PMAAI NAMAN matapos silang magpalabas ng manifest of support kay Verzosa at nanawagan sa lahat ng active and retired Cavaliers to support a clean and honest elections at siempre maging non-partisan.

 Sumundot pa todits ang CBCP PASTORAL LETTER para din sa HOPE.

 Sabi ni Bishop Deogracias Yniuguez ...”I DO HOPE THAT GENERAL VERZOSA WILL STAND ON HIS WORDS. HUWAG MAGPAGAMIT SA SINUMAN AT MANAGOT SA DIYOS!!!

Sabi nga, SO MOTE IT BE ! Hehehe.

Si Ping Cuerpo sa Rizal

Dayo mang maituturing ...Ping Lacson este mali CUERPO pala sa Rizaleno sa diwa, isip at sa gawa.

 Sabi nga, si Cuerpo is the best Rizal can have!

 Ang salitang ito ay galing mismo kay Atty. Steve Salonga, nak-a ni dating Senate President Jovito Salonga.

 Si Rizal gubernatorial bet PING CUERPO ay hindi isang lider na palaiwas sa problema para sa kanya ang lahat ng problema ay may solusyon.

Kung ang ibang local government officials ay sumasakit ang ulo sa problema ng basura at illegal squatting, si Cuerpo ay may kakaibang solusyon dito.

 After all, this engineer never runs out of innovative ideas that turn problems into opportunities for social growth. Hehehe!

Bilang three term Mayor ng bayan ng Rodriguez dating Montalban, ipinatupad ni Ping ang isang proyektong hindi lamang lumutas sa problema ng basura sa Metro Manila kundi nakatulong pa para bawasan ang polusyon by generating electricity mula sa methane gas.

Sabi nga, parang scientist ang dating!

Mula sa third class municipality ay na-iangat ni Ping lechon este Cuerpo pala sa first class municipality ang bayan ng Rodriguez.

Sabi ni Steve Salonga, ang vice gubernatorial bet ni Cuerpo, “Walang duda na si Ping ay isa sa pinakamagaling na Mayor sa bansa ngayon.

 Kasi nga, nauunawan niya ang anatomiya ng mga isyung panlipunan at bilang enhinyero, narersolba niya ito nang may wastong solusyon.

Isa sa maituturing na brainchild ni Cuerpo ay ang pagtatayo ng Montalban Methane Power Corp. (MMPC), the first and biggest waste-to-energy operation sa Asia, which was intended to convert methane to energy. Ang nasabing methane plant ay kayang lumikha ng 15 megawatts ng elektrisidad mula sa methane sa loob ng 10 years.

Ang operasyon ng MMPC ay makatutulong sa bayan ng Rodriguez sa pamamagitan ng milyon-milyong piso habang ang 10 porsiyento ng gross revenue nito ay mapupunta sa major stockholder ng proyekto gayundin sa provincial government. At ito ay magagamit ng lalawigan para sa infrastructure, education, at iba pang health projects.

 Bukod d’yan, mula sa pagtatayo hanggang sa operasyon ng MMPC ay nakapagbigay ng trabaho sa maraming taga-Rodriguez.

Sa pamamagitan ng proyektong ito, ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ay mabibigyan ng 40 percent discount sa paghahakot ng basura kung makapagsu-supply sila sa Montalban Sanitary Waste Disposal Facility (MSWDF) ng 2,500 metric tons basura sa bawat araw.

 Gayundin, ang proyekto niyang “Study Now Pay Later Program” para sa mga estudyante ng indigent families sa Rodriguez bukod pa sa ibinigay niyang housing opportunities sa illegal squatters sa Metro Manila .

Hindi nakapagtataka na sa mga accomplishments na ‘yan ni Cuerpo ay hatawin siya ng political harassments ng mga naiinsekyur sa kanya.

Kaya nga ‘yung mga dating nakaupo na walang ginawa para sa probinsiya nila nangangatog na ngayon lalo’t si Cuerpo ay itinuturing na pinakapaboritong kandidato para gobernador at sinasabing magpa­pabagsak sa political dynasty ng mga Ynares.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BANGIT

CUERPO

METRO MANILA

PARA

SABI

STEVE SALONGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with