^

PSN Opinyon

Tayo ay tigang na lupa

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva -

NGAYONG Marso ay nakararanas tayo ng kakaibang init. Maraming kapaligiran ang may tigang na lupa, kaya tayong lahat ay patuloy ng manalangin sa Panginoong Diyos upang ibigay sa atin ang ulan. Umasa tayo sa Kanya na muli Niyang ipahayag sa atin ang sinabi Niya kay Isaias: “Sa disyerto ako’y nagpabukal ng saganang tubig para may mainom ang aking hinirang. Sila’y nilalang ko at aking hinirang upang ako’y kanilang papurihan”. Papurihan natin Siya sapagkat “ang gawa ng Diyos ay dakila kaya tayo’y natutuwa”.

Kalulugdan tayo ng Diyos kung ating pagsisisihan ang mga kasalanan lalung-lalo na ang kasalanan sa laman. “Ang mga nabubuhay ayon sa laman ay hindi kalulugdan ng Diyos. Ngunit hindi na kayo mamumuhay ayon sa laman kundi ayon sa Espiritu”.

 Marami sa atin na ang pawang nakikita ay mga kasalanan at kamalian ng iba. Mahilig tayong magsumbong ng kamalian ng kapwa. Pagnilayan natin ang sinabi ni Hesus sa mga Eskriba at Pariseo na nagnanais pukulin hanggang kamatayan ang babaing nakikiapid: “Sinuman sa inyo ang walang kasalanan ang maunang bumato sa kanya”. Nang marinig ito, sila’y isa-isang umalis, simula sa pinakamatanda. Walang naiwan kundi si Hesus at ang babae. Sinabi ni Hesus: “Hindi rin kita parurusahan, humayo ka at huwag nang magkasala.”

Tulad ng alibughang anak noong nakaraang Linggo, binigyan ni Hesus ang babae ng panibagong buhay-kabanalan. Ang unang sagot ni Hesus sa mga nanghusga ay katahimikan. Ang katahimikan ay isang pagninilay upang mapag-aralang mabuti ang tamang sagot na makatarungan. Kadalasan ang pabigla-biglang pagsagot ay nagpapagulo sa katotohanan. Kaya ang sagot ni Hesus ay tumimo sa puso ng lahat na puno ng maliwanag na kasagutan na tayong lahat pala ay nagkasala. Magsisi tayo sa Panginoon. Gina- gabayan tayo ni Hesus   upang ipahayag ang kanyang awa sa atin, pag-ibig at kapatawaran. Malapit na naman ang Mahal na Araw. Ito sana’y maging tanda ng ating lubusang pagsisisi at pagpapatawad upang maipagdiwang natin ang kaarawan ng muling pagkabuhay.

San Jose, sa iyong kaara­wan nitong nakaraang Marso 19 ay ipanalangin mo kami sa iyong anak na si Hesus! Binabati ko ang PSN sa ika 24 na anibersaryo. Matatag ang pahayagang ito sapagkat ayon sa Chinese Zodiac ito’y isinilang sa taon ng Tigre. Matatag at makapangyarihan sa pagpapahayag ng katotohanan. Magpasalamat tayo sa Panginoon at GLORIFY THY NAME!

Is 43:16-21; Salmo 125; Rom 8:8-11 at Jn 8:1-11

vuukle comment

CHINESE ZODIAC

DIYOS

HESUS

MARSO

MATATAG

PANGINOON

PANGINOONG DIYOS

SAN JOSE

TAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with