^

PSN Opinyon

Hindi na mabobola ang mga Capiznon

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

HANGA ako sa katatagan ng aking mga kababayang Capiznon, sa kabila ng patuloy na pananalasa ng El Niño ay nagawa pa rin nilang mapigilan ang kahirapan sa buhay. Mantakin n’yo mga suki, paluwa pa lang ang araw ay nasa sakahan (uyapad) na ang mga magsasaka upang bungkalin ang kanilang (uma) lupang taniman ng palay gamit ang hand tractor (Kuliglig). Hindi nila alintana ang hamog na bumabalot sa kanilang katawan dahil kung tatanghaliin pa sila tiyak na matutusta ang kanilang balat na dati ng tigang sa init ng araw. 

Tama ang kasabihan na “Daig ng maagap ang masikap” kung kayat kahit papaano’y nabibigyan nila ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya di tulad ng iba na umaasa na lamang sa biyayang ihahain sa kanilang palad. Iyan ang dapat na pagtuunan ng pansin ng mga politiko upang maiahon sa pagkagutom ang sambayanang Pinoy sa hinaharap. Di ba mga suki! At dahil sa malaking kakapusan sa patubig ng mga bukirin matapos na maibulsa ng mga politiko ang budget para sa agrikultura, nagagawa pa rin ng aking mga kababayang magsasaka na pakinabangan ang kanilang bukirin sa pamamagitan ng mga alternatibong pananim. At iyan ay aking nakita ng ako’y magbakasyon doon kamakailan. Ang mga magsasaka’y nagawang taniman ng mongo at water melon ang kanilang palayan dahil ang mga ito’y hindi masyadong nangangailangan ng tubig.

Kapansin-pansin na naghambalang sa kahabaan ng National Highway ang kanilang mga aning pakwan at water melon na nakakakuha ng atensyon sa mga motoristang napapadaan. Mabuhay kayo’t saludo ako sa inyong abilidad. Kung nakararaos man itong aking mga kababayang magbubukid sa lupit ng El Niño, sumisinghap-singhap naman sa kasalukuyan ang mga (punong) fishpond industries. Sa ngayon kasi labis ang nararamdamang pagkalugi ng mga fish pond owner dahil halos hindi nabubuhay ang kanilang punlang sugpo, bangus at alimango sa labis na init na humahagupit sa kanilang palaisdaan.

Para sa inyong kaalaman mga suki, Itinanghal na Seafoods Capital of the Philippines ang Capiz (Roxas City) dahil dito nanggagaling ang mga sariwang seafoods. Tinatayang umaabot sa 60 porsiyento ng mga isda at seafoods na ibenenta sa Metro Manila ay nanggaling sa Capiz. Ito rin ang pangunahing lalawigan na nag-iexport ng sugpo, bangus at alimango sa iba’t ibang sulok ng daigdig kung kayat kahit papano’y malaking tulong ito sa kanilang kabuhayan. At dahil nga sa pa­­tuloy na panalalasa ng El Niño maraming magpupunong sa ngayon ang unti-unting lumubog o nangabang­karote. Subalit likas na matapang at masigasig ang aking mga kababayan hindi nila alintana ang paghihirap ng kanilang hanapbuhay bagkus patuloy pa rin sila sa kanilang gawain upang makamit ang biyaya. Ganyan ka lakas ang loob ng mga kababayan kong Capiznon sa paghahanapbuhay. Tama sila dahil oras na abandunahin nila ang kanilang hanap buhay tiyak na marami sa aming mga kababayan ang kakalam ang sikmura. Hindi katulad ng mga trapong politikong nagtatago sa kanilang mga malalamig na opisina at naghihintay na lamang ng biyayang inagaw sa naghihikahos na maglulupa.

Ngunit hindi sa lahat ng oras at panahon mabubulag nila ang mga botante. Dahil kahit anong uri pa ng pambobola ang gagawin ng mga ito tiyak na may pagbabago ng magaganap sa darating na 2010, karamihan kasi sa aking mga kababayan ay may matataas ng pinag-aralan di tulad noong panahon na karamihan ay grade III lamang ang inabot ng pag-aaral. Kayat kayong mga tumatakbong pulitiko humanda na kayo sa inyong magiging kapalaran dahil hindi na ninyo madadala ang mga Capiznon sa biglaang pagpapakita ng kakisigan at pambobola. Abangan!

CAPIZ

CAPIZNON

DAHIL

EL NI

KANILANG

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with