ANG mga Pilipino ay kilalang masakripisyo sa harap ng mga kagipitan. Wika nga’y isinasaisantabi ang sari-ling kapakanan alang-alang sa organisasyong pinaglilingkuran. Ito sana ang attitude ng abogadong si Atty. Santiago Gabionza, Jr. na nakatalagang rehabilitation receiver ng Steel Corporation of the Philippines (SCP). Ngunit may ilang pumupuna sa abogado na tatlong taon nang nagsisilbi sa binubuhay pang korporasyon.
Ang balita ko, napakalaki ng suweldong hingi ni Atorni: P300,000 kada buwan. Of course ang mga ehekutibo ng korporasyon ay may karapatang mag-demand. Pero iyan ay kung maganda ang takbo ng negosyo. Pero ang SCP ay under rehabilitation nga eh. Itinalaga umano ni Gabionza ang kanyang law firm na legal counsel nang walang pahintulot ang SCP at rehabilitation court. Binayaran pa raw ito ng P663,141.55 sa loob lamang ng apat na buwan. Sana’y hindi totoo ang mga sumbong na ito dahil klarong conflict of interest at unethical practice iyan.
Kumuha rin umano ng financial adviser si Gabionza na ang bayad ay P3.5 million gayung ang tanging kuwa-lipikasyon ay pinsan ng asawa ng managing partner niya sa kanilang law firm.
Ang rehabilitation receiver tulad ni Gabionza ay itinatalaga ng hukuman sa mga kompanyang palugi at nangangailangan ng rehabilitasyon. Ang tungkulin nito’y bumuo ng programa para maisalba ang naluluging negosyo. Pero kakaiba raw ang kaso ng SCP. Ang petition for rehabilitation ay isinampa hindi ng SCP kundi ng Equitable PCI Bank na ngayon ay Banco de Oro, na isa sa mga creditor banks ng kumpanya.
Sa harap ng pangyayaring ito, humingi na ng tulong sa Court of Appeals ang SCP para ibasura ang kautusan ng Batangas City Regional Trial court na siyang nagtalaga kay Gabionza bilang rehabilitation receiver.
Dapat kasi ay independen te at walang pinapanigan ang isang rehabilitation receiver dahil ang kinakatawan niya ay korte at hindi iyong mga creditors o stockholders.